Maganda ang gising niya kanina. Napakasarap ba naman kasi ng naging tulog niya. Hanggang ngayon din ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kagabi na may relasyon na sila ni dark. Hindi niya talaga akalain na maganda rin pala sa feeling ang magkaroon ng boyfriend.
Wala siyang kahit sinong pinagsabihan sa relasyon nila ni dark. Hangga't maari ay pananatilihin niyang sekreto kung ano mang meron sa kanila ni dark. Napag usapan na din naman nila ito kagabi na dahan dahanin muna nila ang pangyayari dahil ayaw niyang mabigla ang mga kasamahan niyang katulong at lalong lalo na ang nanay niya.
Ano nalang kaya ang magiging mararamdaman at magiging reaksiyon ng mga ito kung sakaling malaman nila na nakipagrelasyon siya sa mismong amo niya?
Nandito siya ngayon ikalawang palapag ng mansion dahil may papalitan kasi silang kurtina. Naghahanda siya ngayon sa kurtina habang nakaupo sa upuan rito. Kasama niya si ciara pero pumasok lang ito doon sa isang guest room malapit lang din dito. Binigyan kasi siya ng permiso ni manang belen na pumasok sa guest room para palitan ang kurtina doon.
Nakarinig nalang siya ng mga hakbang na papalapit sa kanya. Kaya napatingin siya kung sino yun.
Si dark pala na seryosong papalapit sa gawi niya. Nakasuot ito ng jacket na itim na may pulang print at saka itim rin na jeans. Nginitian niya ito at ganun nalang ang kilig na naramdaman niya ng nawala ang seryosong mukha nito dahil napalitan iyon ngiti habang nakatingin sa kanya.
Hindi niya alam pero bigla talagang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita lang ang simpleng ngiti nito. Ang gwapo talaga nito at hindi siya makapaniwala na boyfriend niya na ang lalaking ito.
"Morning dark!" masiglang bati niya rito.
"Morning din!" mas ngumiti pa ito dahilan para makita niya ang pantay nitong mga ngipin. Ang gwapo talaga nito lalo na at nakangiti pa. Ang sarap rin talaga sa pakiramdam na ganito ang bubungad sa kanya tuwing umaga.
Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Mabilis din nitong hinawakan ang kamay niya yung tipong pinagholding hands nito ang mga kamay nilang dalawa. Nanibaguhan siya pero boyfriend niya na din naman ang lalaki kaya dapat masanay na siya.
"How was your sleep?" tanong nito sa kaniya.
"Ang sarap ng tulog ko kagabi dark saka pati rin yung paggising ko. Ikaw?"
"Same my sleep was good too but I think it will be nicer kung naging katabi lang kita kagabi" sagot naman nito.
Hindi niya talaga alam kung pinapakilig ba siya ng lalaki pero para sa kaniya ang bawat salita nitong binibitawan ay nagpapakilig talaga sa kanya.
"Tumahimik ka nga diyan, alam mo namang hindi pwedeng mangyari yun" pinagpatuloy na niya ang ginagawang pagtutuhog sa kurtina.
"At bakit naman hindi? Pwede pa nga kitang ikulong sa kwarto ko kung gugustuhin ko" napatigil na naman siya sa ginagawa niya saka tumingin rito.
"Ano?"
"Wala! wala! what I mean is that, what are you doing now?"
"Nagtutuhog lang naman ako ng kurtina para ilagay doon" sabay turo niya doon sa may bintana.
"Ipagawa mo nalang muna yan sa iba. Pumunta ka muna doon sa kwarto ko"
"May ipagpalinis ka ba?" naging tanong niya rito.
"Wala naman! It just that I just wan't to be with you buong maghapon. Ayaw mo naman kasing iba na may makaalam sa relasyon natin tss.. kaya doon nalang muna tayo sa kwarto ko" sabi nito. Hindi parin kasi talaga pwede na may makaalam sa relasyon nila dahil baka mabigla ang mga kasamahan niya at baka magiging paksa siya sa usap usapan. Dahan dahanin nalang muna nila.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...