MASAKIT ang kanyang ulo ng magising siya. Sinusumpa niya na talaga ang alak hindi na siya iinom ulit. Wala na siyang matandaan kung ano ang nangyari noong nalasing siya. Ang tanging natandaan lang niya ay yung pag alis ni ciara at ang kasunod noon ay wala na siyang maalala.
Nang idilat niya ang kanyang mata ay napagtanto niyang nasa hindi pamilyar pala siyang kwarto. Siguro isa ito sa mga kwarto sa bahay nila jimin. Kay ganda naman ng silid na ito. Hindi mo aakalain na ang bahay nila jimin na may kalumaang tignan ay may ganitong silid pala sa loob.
Bumangon siya sa kama. Masakit pa ang ulo niya. Ito ba yung tinatawag nilang hangover. Hindi niya talaga inaasahang mararanasan niya ang ganito.
Niligpit niya ang pinaghihigaan niya. Nakakahiya naman sa magulang ni jimin dito pa talaga siya natulog at ang masama pa ay lasing siya. Nang matapos na siya ay lumabas siya roon sa kwarto at laking gulat nalang niya ng makita ang isang kasambahay na pamilyar sa kaniya sa labas ng kwarto nato.
Huh! paano iyon nangyari. Diba nandoon siya dapat sa bahay nila jimin wala sa mansyon na pinagtratrabahuan niya.
Tinignan siya ng kasamahan niya na may pagtataka. Kilala niya ang kasamahan niya nato. Ito si fiona ang pinakabagong maid dito sa mansyon. Kaedad niya rin ito pero hindi sila magkasundo dahil masungit ito. May isa pa itong kaibigan na bago rin sa mansyon sila fiona ang palaging magkakasama.
"Bakit ka nandyan? alam mo bang bawal pumasok sa kwarto na yan para lang yan sa bisita ng mga amo natin sa mansyon, maid ka lang rito dika espesyal" bungad na sabi nito sa kanya. Nakaramdam siya ng pagtataray sa salitang binitawan nito.
"Huh!" yun lang ang naging sagot niya. Hindi niya din naman kasi alam kung paano siya napunta rito sa loob ng guest room sa mansyon. Paggising pa nga niya ay akala niya nandoon siya sa bahay nila jimin.
"Anong ha! tinatanong kita kung bakit ka nandiyan sa loob" ito ang unang beses na nakausap niya si fiona. Mataray nga talaga ito gaya ng sabi ng ibang kasamahan niya.
"Hi--ndi ko a--lam!"
"Anong hindi ko alam? hindi mo alam paano ka nakapasok diyan?" mataray na tanong nito sa kaniya. Hindi niya talaga alam ano ang isasagot rito kaya naman hindi na niya ito sinagot at umalis doon. Narinig niyang may kung anong sinasabi pa si fiona pero hindi na niya naiintindihan dahil na rin siguro sa hangover niya na naging dahilan para sobrang sakit ng ulo niya.
Patungo siya ngayon papunta sa silid nila para mag ayos ng sarili. Nakasalubong naman niya si ciara doon malapit sa hagdan ng mansyon.
"Ivory nakauwi kana?" bungad din na tanong ni ciara sa kanya.
"Oo--- "
"Ahh mabuti naman ang nirason ko pala sa nanay mo ay sinabi kong may proyekto kayong ginawa kaya bukas kana makakauwi" pabulong pa nitong sabi sa kanya.
"ahh cge ciara salamat pala!" sabi niya saka napahawak sa ulo niya dahil sumakit na naman iyon. Hinding hindi na talaga siya iinom kahit kailan!
"Yan lagukin mo pa isang bote ng alak ivory haha" natawa pa ito habang sinasabi yun "oi ikaw ha ano yung miss miss saka crush crush na ibinulaslas mo kagabi" tukso nito sa kanya dahilan para pamulahan siya sa mukha. Hindi niya alam ba't nasabi niya ang nga yun nang dahil lang sa alak na nainom niya kagabi. Parang sumanib siguro sa kanya ang espiritu ng alak.
"Hindi yun totoo dala lang yun sa kalasingan ko" tanggi niya naman rito.
"Aysuss wag kanang mahiya! promise hindi ko ipagkakalat" sabi naman nito.
"bahala ka nga diyan ciara! " sabi niya yun saka umalis sa gawi nito at tumungo papunta sa silid nila.
Nang nakaabot na siya roon ay agad siyang nagbihis ng damit at nanghilamos sa mukha. Medyo nawala wala na rin ng konti ang nararamdaman niya ng dahil sa malamig na tubig na dumampi sa balat niya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...