"Oi ivory sino yung napakagwapong lalaking nabungaran ko noong naghatid ako sayo sa mansyon na pinagtratrabahuan mo, Ang gwapo niya talaga swerte mo rin no! at nakarga ka pa talaga sa likod niya" biglang sabi ni jimin habang kumakain sila.Nagulat siya sa naging sabi nito dahilan para halos malunok na niya lahat ang tinapay na kinain niya ngayon. Anong tinutukoy nito wala nga siyang alam sa sinasabi nito.
Nandito sila ngayon sa cafeteria dito sa paaralan. Kumakain sila at magkaharap silang tatlo ngayon ni ciara at jimin sa may kaliitang table roon.
"Huh! ano yang sinasabi mo? wala naman akong natandaan noong nalasing ako" naguguluhan naman niyang sagot rito.
"Hinatid mo pala si ivory, akala ko ba'y doon siya natulog sa bahay niyo" sabi naman din ni ciara tumingin din ito sa kaniya ng naguguluhan. Pati nga rin siya naguguluhan rin sa sinasabi ni jimin. Kaya pala sa isa sa guest room pala siya ng mansyon nakatulog non dahil inihatid siya nito pero paano iyon nangyari. Sino yung gwapong lalaki na kumarga daw sa kaniya na itinutukoy nito?
"Oo, nagpumilit kasi yang si ivory na magpapahatid sa akin noong biyernes kahit na sobrang lasing na nito" nagpumilit siya? kaya ba wala siya sa bahay nito ng magising siya nasa mansyon parin. Pero sino ang naglagay sa kanya roon sa guest room?
"Hinatid mo ako... " pilit niyang inalala ang pangyayari pero wala siyang matandang ganun "Paano ako napunta sa isang guest room sa mansyon?"
"Sa guest room ng mansyon ka natulog ivory? mahigpit pa namang pinagbabawal. yung nanay mo lang ang pwedeng pumasok roon saka yung mayodorma lang din! paano yun nangyari?"
"Basta noong kinuha ka sa gwapong lalaki na yun hindi ko na alam ano ang susunod doon!"
"Duda akong si señorito ang tinutukoy ni jimin, hala ka ivory baka ano ano ang sinasabi mo sa kanya noong lasing ka haha" si ciara iyon.
Hala! baka nga si dark iyon. Posible iyon lalo na't umuwi din ito nang araw na iyon. Nahihiya na siya tuloy kahit wala pa namang kasiguraduhan.
"Sigurado ka ba diyan jimin? ano hitsura niya?" curious na tanong niya rito.
"Basta matangkad, maganda ang katawan at sobrang gwapo pero yung awra niya masama parang strikto lang!" pahayag ni jimin. Sa sinabi nito walang duda na ang señorito nga marahil siguro iyon. Alam niya kung kailan nagbibiro si jimin pero sa pagkakataon ngayon ay batid niyang hindi ito nagbibiro sa sinasabi niya.
"Dyosa ka talaga ng kaswertehan ivory, malay mo dalawang gwapong lalaki na ang nakahain sayo, yung bisita sa mansyon saka si señorito. Akalain mo jimin tinulungan din siya sa pagbubuhat ng mga ito" sabi naman ni ciara. Ano na kaya ang nangyari kay jerson ngayon matapos kasing umalis nila ni dark ay wala na siyang balita rito.
"Abay, dyosa talaga tong kaibigan natin ciara.
Ikaw ivory ha! baka gumagalaw ka ng palihim haha" pang aasar sa kanya ni jimin."Naipaliwanag ko na diba ciara kaya yun nangyari, nadaanan nila akong buhat ang mga yun kaya naawa siguro ang mga ito. Wag mo ngang bigyan ng malisya ang pagmamagandang loob ng amo natin" depensa niya naman sa sarili. Wala parin talaga siyang plano na sabihin kay ciara na sumama mismo ang mga amo nila sa pamamalengke.
Pero patuloy parin ang mga ito na umaasar asar sa kaniya at patuloy din ang pagdedepensa niya...
******************************************************************************************
Hapon na ng dumating siya sa mansyon galing sa paaralan niya at bumangad naman sa kaniya ang pagkabusy sa mga ksambahay roon. Nakita niyang marami na namang kurtinang pinalitan sa loob saka marami ding desinyo sa loob na binago rin.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomantizmSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...