CHAPTER 13: Visitor

3.1K 58 0
                                    

Labis ang pamumula sa mukha ni ivory nang maghiwalay ang mga labi nila ni dark. Hindi na siya makatingin ng diretso rito. Gusto niya sanang tumakbo sa kahihiyan pero ang dalawang paa niya ay parang nagyeyelo hindi niya ito maigalaw.

Napaiwas nalang siya ng tingin mula sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa nangyari! hinalikan ba naman siya ng di hamak na kakabalik na amo niya.

"Ivory look at me!" sabi ng lalaki. Pero hindi niya ito sinunod.

Hinawakan ni dark ang mukha niya at pinaharap ito sa kanya. Nakatingin lang ng diretso ang lalaki sa kanya at hindi niya alam anong gagawin roon.

"Ivory... " sambit muli nito sa mahinang tuno. Marahil na realize din siguro nito na hindi niya dapat ginawa yung nangyari kanina.

"Dark! hindi mo dapat ginawa yun" naging sabi niya. Wala silang relasyon saka maid lang siya ng mansyon nila. Kahit saang angulo tignan mali ang ginawa nila para sa kanya.

"Why?" naguguluhang tanong nito " Didn't you like it?

"Hindi sa ganun dark sadyang mali yung ginawa mo. Amo kita at maid ako sa mansyon niyo--"

"Thats bullsh*t ivory!" mura nito kaya napatigil siya sa pagsasalita. Matigas ang pagkasabi ng lalaki at para bang pinapahiwatig nito na tumigil ka sa pagsasalita.

"Pero dark---"

"I'm going to kiss you again if you dare to open your mouth" saad ng lalaki kaya mabilis niyang tiniklob ang bibig niya. Ramdam niyang hindi nagbibiro ang lalaki dahil seryoso ang mukha nito habang sinasabi iyon.

"Ivory! gusto kong sabihin sayo na hindi na ako ang batang dark noon na umalis matapos mong nireject ang pag aamin ng nararamdaman niya. I know what I am doing. I'm the grown up dark now!" tahimik lang siyang nakikinig sa mga salitang binibitawan nito. Para siyang batang studyante na nakikinig sa teacher niya "And whatever the consequences that i will be encountering... Trust me baby! I will face it"

Kahit nakikinig siya ng mariin sa sinasabi ng lalaki ay hindi niya iyon naiintindihan. Hindi naman siya mahina sa english sadyang parang blanko lang talaga ang utak niya sa mga salitang binibitawan nito.

"Huh! Anong ibig mong sabihin?" nagugulahang tanong niya rito.

"Seriously? Ivory hindi mo naintindihan ang sinasabi ko?" tumango naman siya sa naging sabi nito. Yun naman din kasi ang totoo! Hindi niya alam ang gustong ipahiwatig nito sa kanya.

"ikaw pa ba yung señorito namin dark? nalilito na talaga ako sa mga inaasal mo ngayon" kung hindi niya lang kamukha ang amo nila ay iisipin niya talagang ibang tao na ito. Hindi ito ang asal ng amo nilang lalaki at higit sa lahat alam niyang hindi basta bastang nanghahalik ang amo nila.

"Ito ang ginawa mo sa señorito niyo ivory, You have made him nearly lose his sanity" sabi nito. Hindi nga niya ito inano! Wala nga siyang ginagawa rito. Paano ito nawala sa katinuan ng dahil sa kanya.

"Aa--lis na ako!" sabi niya saka bumalikwas mula sa hawak nito. Aaminin niya kinakabahan siya sa naging bagong asal ng lalaki. Para bang nag iba ito. Nagbago ba ito ng umalis ito ng dalawang semana?

Dali dali siyang lumapit sa pinto pero nakalock pala iyon kaya hindi siya makalabas roon. Sinubukan niyang pihitin muli ang seradura pero hindi iyon mabuksan.

"Tss.... being stupid again! " rinig niyang sambit ni dark. Hindi talaga siya makapaniwala na ang lalaking palaging nagsasabi ng stupid sa kanya ay nahalikan niya kanina. Ramdam niyang may papalapit na namang hakbang sa gawi niya.

"I have the key! mamaya kana umalis dito sa kwarto ko" sabi nito. Hindi maari hindi niya kaya ang presensya nitong malapit sa kanya. Naiilang talaga siya sa lalaki lalo na sa nangyaring halikan kanina. Hindi na siya makatingin ng diretso rito.

Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon