Nagising nalang siya sa isang kama mag isa. at nakabihis na ng ibang damit. Napatingin siya sa paligid... Maganda ang kwarto at saka malaki rin.
Nasaan siya? Anong ginagawa niya rito?
Pilit niyang inaalala ang nangyari bago siya napunta rito. Naglalakad lang naman siya sa labas ng mansyon non nang may nagtakip ng panyo sa bibig niya----
May kumidnap sa kaniya! Sino naman kaya? Hindi naman sila mayaman. Baka ibebenta ang lamang loob niya.
Pinagdadasal niya sanang hindi! lalo na at buntis siya. Paano nalang siya at ang magiging anak niya? Kahit dalawang araw palang naman nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis niya ay mahal niya na ito.
Kailangan niyang makaalis rito! Kailangan talaga!
Napatingin siya malapit sa ulohan niya. May bintana roon kaya sinilip niya iyon. Mas lalo pang dumagdag ang kaba niya ng mapag tantong nasa ibang lugar pala siya. Saang lupalop ba ito ng pilipinas? iba kasi ang lugar.
Napadungaw siya at napatingin sa ibaba. Hindi maaring tumalon siya rito dahil ito narin ang magiging katapusan ng buhay niya. Sa palagay niya ay nasa pangatlong palapag siya at tiyak kung sakaling tatalon man siya ay mabubura na rin ang existence ng buhay ni ivory dito sa mundo.
Lumapit naman siya doon sa pinto saka pinihit iyon. Ngunit ganun nalang ang pagkadismaya niya ng nakalock pala iyon. Pinagdadasal niya talagang walang mangyayaring masama o panaginip lang ito dahil buntis siya. Kailangan niya pang ingatan ang sarili para naman masilayan pa nang magiging anak niya ang mundo.
Mas grumabe pa ang kabang naramdaman niya ng may marinig siyang pagpihit ng seradura ng pinto sa labas. Taranta naman siyang pumasok doon sa ilalim ng kama at nagtago. Sakto naman ng tuluyan na siyang nakapasok roon ay yun din ang pagkabukas ng pinto.
Lord tulungan niyo po ako dasal niya sa sarili.
Kita niya ang sapatos nito na humahakbang. Bawat tunog ng mga hakbang nito ay nakakapagbigay ng sobrang takot sa kanya. Halos mapaiyak nalang talaga siya sa nangyari.
Bakit nagiging ganito ang buhay niya? Una umalis si dark, pangalawa yung pagbubuntis niya at saka ngayon na naman.
Mas natakot pa talaga siya nang lumapit ito sa kama. Nag uumpisa na ring nanunubig ang kanyang mata. Pinigilan na rin niya ang kanyang hininga dahil pakiramdam niya ay sobrang ingay non.
"Come out babe! I know you were hiding.." mas nagulat nalang siya sa nagsalita.
Impossible! Diba dapat nasa italy ito?
Unti unti naman siyang lumabas sa ilalim ng kama. At saka napatingin sa lalaking nakatayo. Si dark nga! Panaginip lang ba ito?...
"Dark.." nabasag ang boses niya. Hindi niya talaga alam pero simula nang mabuntis siya ay ang bilis nalang talaga niyang napapaiyak.
"Get up there babe haha!.. Why are you hiding?" natatawa pa nitong sabi saka siya nito inabutan ng kamay. Mabilis niya naman itong hinawakan at nang makatayo naman siya ay mabilis niya itong niyakap at sumubsub sa dibdib nito
Miss na miss niya na talaga ang lalaki dahil dalawang semana rin itong hindi niya nakita...
"Dark... totoo ba to? Baka nanaginip lang ako.. Diba dapat nasa italy ka?" hindi talaga siya makapaniwala sa pangyayari.
Kung panaginip man ito ay susulitin niya din ang pagkakataon bago siya magising. Miss na miss niya na talaga ito.
"Oo nasa italy nga ako.." naguguluhang napatingin siya rito.
"Panaganip nga lang pala talaga ito... Ayaw ko nang gumising bahala na...Miss na miss na talaga kita.." mas hinigpitan niya pa ang yakap rito.
"Hindi ito panaginip, hindi mo na kailangang gumising" hindi pa rin siya naniniwala. Panaginip lang ito!
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...