ANG lambot ng kamang hinigaan niya ngayon. Dagdagan pa sa mabangong unang kayakap niya. May katigasan ito pero magandang yakapin. She's awake now pero ninanamnam niya muna ang magandang kamang hinihigaan niya.
"Hmmm.. " naging bulong niya saka idinilat ang mata.
Ngunit nanlaki ang nakamulat niyang mata ng makitang nakayakap siya sa dibdib ng among lalaki na ngayo'y katabi niya.
Paano ito nangyari?
Nagsimulang bumalik ang ala ala niya kagabi at nagsimula na rin niyang narealize na hindi tama ang kanyang ginagawa. Hinay hinay niyang kihuha ang kamay niyang nakayakap rito. pinagdadasal niya talaga na sana hindi ito magigising. Pano ba naman kasi malikot kasi siyang matulog kaya iyon nangyari. Buti nalang talaga at hindi napansin ni dark dahil tiyak na mapapagalitan siya nito. Isang hamak na maid ba naman ang yumakap sa amo nito.
Laking pasalamat niya nang makitang tulog parin ang amo. Kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na yun para umalis doon sa kama. Hinay hinay niyang ginalaw ang kanyang mga binti at kamay sa kadahilanang ayaw niyang magising ang among lalaki na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Ayaw niyang gisingin ang leon!
Nang tuluyan na siyang makatayo ay pumunta siya sa nag iisang upuan doon at huminga nang malalim. Umupo siya roon at iniisip kung paano nalang kaya pag nagising ito sa kalikutan niyang matulog kaninang gabi. Labis talaga niyang pinagpasalamat na pagod ito kagabi kaya mahimbing ang tulog nito ngayon.
Napansin niyang gumalaw sa kama si dark. Marahil ay gising na din ito.
Tumayo naman ito at parang may hinanap sa paligid. Tumigil naman ang mga mata nito nang makita siya. Gwapo ang lalaki kahit kakagising palang nito. Kung ibang babae lang siguro siya ay tumitili na siya kilig. Pero iba siya hindi siya katulad sa mga ito.
Napatitig muli ito sa kanya at gumalaw muli ang adams apple nito.
"Wait for me here! I just need to go to the comfort room" dali daling sabi nito saka mabilis na pumasok sa pinto ng CR.
Ano kaya ang meron sa lalaki? Siguro sobrang naiihi lang ito. Ganun rin naman siya minsan, nagigising nalang sa umaga na sobrang ihing ihi na ang nararamdaman kaya mabilis din siyang pumupunta sa cr.
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas ito. Kita niya sa mukha nito na para bang nakaramdam ito ng kaginhawaan.
"Aalis na ba tayo dark?" tanong niya sa kalalabas na lalaki. Tumango naman ang lalaki dahilan para halos tumalon ang puso niya. Sa wakas makakauwi na rin, hinihintay niya rin ang oras na ito. Mas mabuti siguro sana pag maaga silang makakauwi nang sa ganun ay makapasok pa siya sa klase niya. Sa tingin niya ay bumaba siguro ang grade niya dahil ilang araw din siyang hindi nakapasok.
"We will go now!" sabi nito saka lumabas doon sa pinto na kaagad din naman niyang sinundan. Wala parin namang tao na dumadaan sa floor na ito. Siguro ay nasa loob parin ang mga ito sa kanya kanyang mga silid.
Tahimik lang na naglalakad ang lalaki na wala namang pinagbago hanggang sa makarating sila hanggang sa elevator. Sinigurado niyang nilagyan niya ng distansiya ang pagitan nilang dalawa noong nandoon na sila sa loob ng elevator.
Tumingin si dark sa kanya pero nang mahuli niya naman ito ay dali dali rin din nitong iniwas ang tingin sa kanya.
'May muta ba siya? baka yun nga ang dahilan kaya parati itong tumitingin sa kanya' pagtataka niya. Kaya palihim niyang kinusot kusot ang mata pero wala naman siyang nakuhang muta roon.
Makaraan ng ilang minuto ay bumukas na ang elevator kaya nang lumabas ito ay sumunod na din siya. Ito naman talaga ang serbisyo niya ngayong umaga ang sumunod dito dahil natatakot maiwan at hindi na makauwi.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Amo [COMPLETED]
RomanceSi ivory yung tipo ng babae na simple at walang arte sa buhay. Siya yung klase ng babaeng mabait at sumusunod sa sinasabi ng mga magulang. Nagtratrabaho siya para makapag aral at para narin makatulong sa pamilya. Ngunit sa mansyon na pinagtratrabahu...