KABANATA 14

2K 50 9
                                    

---Annica Yuri Lee's Point of View---

*Flashback*

"After she broke my heart, I accidentally found someone who captured my heart in just one summer. And yes, I fell in love again." Nagpatuloy siya sa pagku-kwento habang nakatingala sa langit.

"Again? Si Ate Lucy ba?" Lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.

"No," Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin may babae pa siyang minahal bago niya nakilala si Ate Lucy?

"Sino ba kasi?" Nagulat ako dahil binaling niya ang tingin sa akin. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa na naging sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I know it's crazy but I fell in love with an immature kid, the kid sitting next to me."

*End of Flashback*

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay naramdaman kong muli ang pagdampi ng mainit niyang labi. Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Ikakasal na siya ilang minuto mula ngayon kaya kailangan ko nang ibaon sa limot ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Mula sa mga lihim na bahagi ng nakaraan hanggang sa una't huling halik na ibinigay niya sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap, mag-uumpisa na yung ceremony." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran.

Malinis ang konsensya ko at alam kong wala akong maling ginawa pero kapag naaalala ko ang halik na iyon, pakiramdam ko ay may napakalaki akong kasalanang nagawa sa lalaking nakayakap sa akin ngayon.

"A-Ah, ang ganda kasi nitong lugar. Naaliw lang ako kaya napadpad ako dito, bumalik na tayo doon." Marahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at nauna nang naglakad.

"Bagay sayo yung suot mo, akala tuloy nung iba ikaw yung bride. Gusto mo bang dalhin na kita sa altar ngayon?" Humarap ako sa kanya at binatukan siya.

"Gusto mong dalhin na kita sa impyerno ngayon? Palibhasa gurang ka na, wala pa kaya ako sa legal age! Dyan ka na nga!"

Mauuna na sana ulit akong maglakad sa kanya pero nahigit niya ang kamay ko. Tatanggalin ko sana ito pero mas hinigpitan niya ang pagkakapit para hindi ako makabitaw.

"Sabi ko kumapit ka ng mahigpit sa kamay ko diba? Bakit binibitawan mo ako?"

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Isang senyales na may nararamdaman na siyang kakaiba mula sa akin. Lalo akong nakonsensya kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kayang makatingin sa mga mata niya ng matagal dahil naaalala ko na naman ang kasalang ginawa ko... kung kasalanan man ang matatawag doon.

"Nagbabasa ka na rin ba ng wattpad? Bakit ang drama mo? Meron lang ako kaya nagsusungit ako wag ka na magtampo." Narinig ko ang mahina niyang tawa. Doon ko lang napagtanto na naisahan na naman ako ng hudas na'to.

"Nakapuntos na naman ako. Hahaha!" Bago ko pa siya mabatukan ay nakatakbo na agad siya ng mabilis. Hindi ko siya mahabol dahil sa gown na suot ko kaya naman halos madapa na ako kakahabol sa kanya.

"Wag na kasing ipagpilitan, masasaktan ka lang." Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko at binuhat ako na para bang bago kaming kasal. Yeah, sweet little things again, Kiefer.

"Ang lakas mo makahugot ah," Pinalo ko siya sa balikat ng mahina.

Ngumiti lang siya sa akin. Palapit na kami ng palapit sa simbahan kung saan naroon ang lalaking pinaka iniiwasan kong makita.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon