KABANATA 30
---Annica Yuri Lee's Point of View---
"Para saan 'to?"
Kinuha ko yung binigay niyang kahon. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang eleganteng gown na kulay pula. Nagtaka ako dahil wala namang dapat icelebrate.
"Company's party," Matipid ang mga sagot niya sa akin.
"Hindi mo naman ako kailangan isama kung napipilitan ka lang." Binalik ko sa kanya yung kahon pero hindi niya kinuha.
"Your parents will attend that party." Tumango ako. Kaya naman pala.
"Kung hindi sila pupunta isasama mo pa rin ba ako?" Hindi siya sumagot. Lumabas siya sa kwarto ko ng tahimik.
Tumayo na ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Sinuot ko yung gown na binigay niya sa akin. Tumingin ako sa salamin at nabigla ako sa nakita ko. Ngayon ko lang napansin na masyadong revealing yung gown. Bukas yung likuran ko at kitang-kita ang hugis ng katawan ko. Wala siyang strap kaya naman kita talaga ang collarbone ko maging ang kabuuan ng balikat ko.
Kinuha ko yung kahon, doon ko lang din namalayan na mali yung napadalang gown sa akin. Iba kasi yung pangalan na nandoon. Pero hinayaan ko nalang dahil baka naiinip na si Kiefer sa paghihintay sa akin.
Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako dahil nandoon na si Kiefer sa tapat ng pintuan ko. Tinignan niya ang mukha ko ng ilang minuto hanggang sa bumaba ang tingin niya sa katawan ko.
"Bakit," Namula ako dahil pakiramdam ko tinitignan niya talaga ang kabuuan ng katawan ko.
"Mali yung napadalang gown, pero okay lang din 'to." Tumabi siya sa gilid dahil sinara ko ang pinto ng kwarto ko.
"Magpalit ka," Binuksan niya ulit yung pinto. Hindi niya magawang makatingin sa akin. Napansin ko rin ang pamumula ng tenga niya.
"Ayos nga lang 'to,"
"Para sa akin hindi magandang tignan." Pinigilan ko ang mapangiti.
"Hanggang tingin lang naman sila, sayo pa rin ako." Tinignan ko ang magiging reaksyon niya. Pero umasa lang ako sa wala.
"Mauuna na ako sa kotse," Nauna akong naglakad sa kaya papunta sa labas. Pero ramdam ko ang titig niya sa akin mula sa likod. Napangiti ako na parang tanga.
Sasakay na sana ako sa kotse pero pinigilan niya ako. Binuksan niya yung pinto sa backseat at doon ako pinaupo. Kumunot ang noo ko. Gusto ko sanang magtanong pero pinili ko nalang na manahimik.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Napapansin ko rin ang maya't maya niyang pagtingin sa salamin ng kotse sa harapan. Napangisi ako. I know he's drooling over me.
Nagtaka ako dahil huminto kami sa tapat ng isang bahay. Lumabas siya at hindi ko inaasahan ang nakita kong kasama niya nang makabalik siya sa kotse.
"Annica, nice meeting you again." Nakangiti niyang bati sa akin nang makasakay na sa shotgun seat, sa tabi ni Kiefer.
Parang kinurot ang puso ko. Kaya ba dito niya ako pinaupo? Maliit na bagay pero para sa akin napakalaki. Naaalala ko dati, nilagyan ko pa ng pangalan ko ang upuan na yun gamit ang permanent pentel. Nangako pa siya na wala siyang ibang taong papaupuin sa upuan na yun kundi ako.
Nasaan na yung pangako? Nandoon na sa hardware, napako na. Permanent pentel nalang talaga ang permanent sa mundo.
"Your wife is indeed beautiful." Nginitian ko lang silang lahat. Hindi ko rin sila kilala kaya hindi ako komportable.
BINABASA MO ANG
Totally A Judas
RomanceBROKEN TRUST, BROKEN PROMISES, BROKEN LIVES, AND BROKEN HEARTS. Akala mo "...and they live happily ever after" na, yun pala nag uumpisa palang ang storya. (ANG FIANCE KONG HUDAS BOOK 2)