I accidentally posted KABANATA 31 LMAO SORRY HAHAHAHAHHA. So here it is na wag kayong malito, tignan niyo nalang yung number ng chapter haha
KABANATA 28
---Annica Yuri Lee's Point of View---
Nagising na naman ako na wala pa rin siya. Palabas na ako ng kwarto nang mahagip ng tingin ko ang malaking picture frame sa pader. Napangiti ako. Napakasaya ng araw na iyon. Ang kasal namin, iyon ang pinakamagandang nanagyari sa buhay ko na kailanman hindi ko pinagsisihan.
Tinitigan ko ang ngiti niya sa litratong iyon. Kailan ko ba ulit makikita ang matitingkad niyang ngiti? Kailan niya ulit ako titignan sa mga mata na parang kaming dalawa lang ang nag e-exist sa mundo? Kailan? Darating pa ba ang araw na iyon?
Nakatulala ako sa pintuan ng kwarto niya. Isang buwan pero anim na buwan na ang nakaraan hindi pa rin siya bumabalik. Natawa ako. Option nga lang pala ako. Kaya pwede niya akong balikan, pwede ring hindi na.
"Nagpatayo na rin pala ako ng studio. Lately nahilig ako bigla sa music eh. Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa realidad nang pitikin ni Angelo ang noo ko.
"Masakit yun ah!" Inirapan niya ako at sumimangot. Anong problema nito?
"Sabi ko naman sayo, kapag ako ang kasama mo wag mong iisipin yung lalaking yun. Seloso kaya ako, ayoko ng may kahati ako." Natawa ako sa sinabi niya. Siraulo talaga.
"Sorry na boyfriend." Pinisil ko ang pisngi niya.
"Tss." Hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Saan nga ulit yung studio mo? Gusto mo pumunta tayo doon?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Nakita kong may nabuong ngiti sa labi niya pero pinigilan niya agad iyon.
"Ngiti na kasi,"
Tumingin siya sakin at nakita ko na ang napakaliwanag niyang ngiti. Nakakahawa ang ngiti niya kaya hindi ko na rin namalayan na nakangiti na ako sa kanya habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa.
*dugdugdugdug*
Pakshet. Wala akong nararamdaman. Wala. Umiwas ako ng tingin.
"Bakit?" Tinignan niya ako ng puno ng pag-aalala.
Hindi pwede. Ayoko.
"Nagugutom ako eh," Magpalusot ka nalang, dyan ka naman magaling eh.
Ngumiti na naman siya. Ano bang meron sa ngiti ng lalaking 'to at ang lakas ng impact sakin?
"Magluluto ako para sayo." Pumunta na siya sa kusina na hindi manlang hinintay ang pagpayag ko.
Ang kapal ng mukha. Akala mo bahay niya 'to. Napakamot nalang ako sa ulo. Bakit ba hindi pa ako nasanay? Lagi naman siyang ganyan kapag nandito sa bahay.
"Manang!" Tumakbo ako papunta sa kanya para kunin yung mga dala niyang plastic ng groceries. Hindi ko namalayan na kanina pa siya nakatayo doon.
"Salamat hija,"
Dadalhin ko na sana sa kusina yung mga pinamili niya pero pinaupo niya ako sa sofa. Naupo siya sa tapat ko. Magkahalong lungkot at saya ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Pinadala yan ni Kiefer,"
Inabot niya sa akin yung sobre na may lamang pera. Sa nakalipas na anim na buwan, pinapadalhan niya lang ako ng pera dahil hindi na ako sinusustentuhan ng mga magulang ko mula nang ikasal kaming dalawa.
"Ibalik niyo 'to sa kanya."
Kahit piso wala akong tinanggap na pera mula sa kanya. Nagtrabaho ako para mapagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Wala akong pinagsabihan dahil alam kong makakarating agad yun sa mga magulang ko o kay Kiefer.
BINABASA MO ANG
Totally A Judas
RomanceBROKEN TRUST, BROKEN PROMISES, BROKEN LIVES, AND BROKEN HEARTS. Akala mo "...and they live happily ever after" na, yun pala nag uumpisa palang ang storya. (ANG FIANCE KONG HUDAS BOOK 2)