KABANATA 8 - Anniversary Special

2.7K 78 11
  • Dedicated kay Marie Malaluan-Kim
                                    

NOTE NI ANNICA LY:

BASAHIN MUNA ITO BAGO MAGPATULOY. 

I therefore announce na tatlong chapters po ito na sabay sabay kong pinost bilang pagbawi sa hindi ko pag-aupdate ng ilang buwan. Sana mag iwan po kayo ng comment at votes manlang bilang kabayaran sa effort ko. HAHAHAHAHAHAHAHA joke lang po ^______^v Enjoy reading!

KABANATA 8

--Annica Yuri Lee's Point of View---

February 14. Dumating na naman ang araw ng mga puso.

Ang bilis talaga ng panahon, two years na kaming nagpapatayan ng fiance kong hudas.

 

Natawa ako sa naisip ko.

Wala akong balak na pumasok ngayon kaya tanghali na ako gumising. Valentine's day kasi, panigurado malalaspag na naman ang virgin eyes ko sa mga haliparot na magjojowa sa school namin.

Nag-ayos lang ako ng konti at lumabas na agad sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pintuan ay napansin ko agad yung sticky note na nakadikit sa bandang itaas ng pinto.

"Bwiset talaga yung hudas na yun. Ugh! Alam na ngang maliit ako doon pa nilagay sa may taas. Tss." Kumuha nalang ako ng upuan para makuha yung sticky note. Pagkababa ko sa upuan ay agad ko iyong binasa.

Pandak na uhuging bata! Magandang umaga sayo kahit ang panget mo. Alam kong anniversary natin ngayon kaya wag ka na mag-inaso dyan. Susunduin kita kaya mag ayos ka naiintindihan mo? Wag ka na ulit lalabas na para kang clown tulad ng ginawa mo dati, please lang. Sige na, ugh! Nakakainis naging nobela na tuloy.

 

-Kiefer

 

P.S. Saranghae

 

Napangiti ako doon sa dulo ng note. Nasabi ko kasi sa kanya na ang dream boyfriend ko talaga ay koreano. May lahi naman siya kaso hindi siya nagsasalita ng hanggul kaya naman mula noong nalaman niya yun pinag aralan na niya ang hanggul.

Pumunta ako sa living room at naabutan ko siya doon na nakaupo sa sofa na parang akala mo ay siya ang may-ari ng bahay. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Tss.

 

"Gising na pala yung duwende, nagkita na kayo ng mga lamang lupang kamukha mo?" Ang sarap talagang patayin ng hinayupak na 'to. Siya ang pinaka sweet na lalaking nakilala ko. Anniversary namin ngayon, imbes na salubungin ako ng rosas nang-asar pa! Ugh.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon