SPECIAL CHAPTER PART 2

1.5K 27 10
                                    

Special Chapter Part 2

---Annica Yuri Lee’s Point of View---

“Bisitahin mo ako ha? Promise yan?”

“Yes, promise.”

“Bye, Miles. I miss you sooooo much.” Nag flying kiss pa ako sa kanya bago ko isinara ang laptop. I sighed.

Sa screen ko lang nakikita at nakakausap si Miles sa mga nakalipas na taon dahil sa mga nangyari. I badly want see her personally.

“Sinong kausap mo?” Napabalikwas ako nang makitang si Kiefer ang sumulpot sa may pintuan ng kwarto ko.

“W-Wala, yung head nurse namin nakipag skype sa akin.” Natataranta kong itinago sa ilalim ng unan ang laptop ko.

“Maliligo na ako may duty pa kasi ako sa ospital.” Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit. Nagulat nalang ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.

“It’s been quite a long time since you haven’t seen each other. I think it’s about time.” Humarap ako sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin.

Alam ko naman na alam na niyang palihim kaming nag-uusap ni Miles.

“Magiging okay lang ba ‘yun sa’yo?” Tumango siya at ngumiti.

“I already forgave her right? It’s my father’s fault at the first place so I can’t put the blame on her.” Nakakatuwang isipin na sinusubukan niyang ayusin ang lahat ng gusot ng nakaraan namin.

Tungkol naman sa pagkamatay ng mommy ni Miles, kagagawan iyon ng daddy ni Kiefer. It’s about business matters na kahit kailan hindi maiintindihan ng katulad ko dahil wala naman akong alam sa kompetisyon na sinasabi nila.

Nakakalungkot lang dahil nilagay ni Miles ang batas sa kamay niya. The good thing is that napagbayaran na naman niya iyon, she suffered from a severe depression to the point na ipasok na siya ng pamilya niya sa mental hospital.

The good thing is that she’s okay now. Everything’s okay.

“Thank you, Kiefer.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Ngayong narito na ulit siya sa piling ko ayoko na magkaroon ng rason para mawala ulit siya sa akin.

“Nurse Lee, nacheck mo na ba ‘yung patient sa room 552?” Napabalikwas ako nang marinig ang galit na boses ng head nurse namin. Pang gabi kasi ang duty ko ngayon kaya inaantok na talaga ako.

“Hindi pa po, pupuntahan ko na po siya.” Inirapan niya lang ako at umalis na.

“Palibhasa matandang dalaga na.” Pabulong kong sabi na narinig niya pala.

“Anong sabi mo nurse Lee?!” Bago niya pa ako mabato ng kung ano ay kumaripas na ako ng takbo.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 5th floor. Sa lahat ba naman ng matatapat sa aking pasyente iyong nasa floor pa na ‘yon. Mas masaklap pa ay yung sa kwarto pa na iyon, marami daw kasing kababalaghan doon. Kinilabutan ako sa mga naisip ko.

*ting*

Nagulat ako sa tunog ng elevator. Nagmadali akong lumabas. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Paano ba naman? Ako lang ang mag-isang naglalakad sa pasilyo tapos nakapatay pa yung ibang ilaw kasi madaling araw na.

“Room 549, 550, 551…” Nilibang ko ang sarili sa pagbibilang. Nilalamon na ako ng takot.

“Room 552.” Marahan kong pinihit ang hawakan ng pintuan habang nakapikit ako. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon