KABANATA 21

1.4K 76 5
                                    

KABANATA 21

---Kiefer Lin's Point of View---

"Ano ba kasing kaartehan 'to? May pa takip-takip mata portion ka pa!" Inalalayan ko siya palabas ng kotse.

"Wag ka ngang maingay!" Nakakairita kasi yung tinis ng boses niya.

"Ano ba kasi---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tanggalin ko ang takip niya sa mata.

"Wow ang ganda! Kaninong bahay ba yan?"

"Sa asawa ko,"

Tumingin siya sa akin. Hindi makapaniwala. Abot langit ang ngiti. May maasayang mata.

"Ang d-dream h-house k-ko." I  nodded smiling.

Mula noong araw na binigay niya sa akin yung mga detalye ng dream house niya nag-umpisa na akong gumawa ng design para maumpisahan na ang pagpapatayo. Supposed to be, next year pa dapat kami lilipat dito pero napaaga kasi ang pagp-propose ko.

"Ayos lang ba? Konti lang kasi binigay mong details sakin kaya dinagdagan ko nalang." Napaatras ako dahil sa bigla niyang pagsunggab ng yakap sa akin.

"S-Salamat," Naramdaman kong parang nababasa ang damit ko. Nakarinig din ako ng mahihinang hikbi mula sa kanya.

"Sssssh, wag ka nga umiyak. Gusto mo bang bawiin ko sayo 'to?" Huminto siya sa pag-iyak at hinampas ako sa dibdib.

"Wala ng bawian! Bleh." Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay, sumunod naman ako sa kanya.

"Ang ganda talaga, para akong nasa heaven! Puro kulay blueeeee!" She's acting like a kid again. But I love her being like that, it's cute.

Walang second floor. May malawak na veranda at may malaking garden tulad ng sabi niya. Different shades of blue and white lang ang kulay ng buong bahay. Kumuha lang din ako ng mga simpleng furnitures dahil ayaw ni Annica ng masyadong magarbo. Gusto niyang mabuhay ng simple lang.

"Halika dali!" Hinila niya ako papunta sa veranda. Naupo kaming dalawa sa couch na nandoon. Abot langit ang ngiti ng asawa ko.

"Kapag tumanda na tayo, dito tayo laging mauupo. Maganda yung view tapos may fresh air, ang perfect diba?" Tumango lang ako at ngumiti.

"Haaaay. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na yung dating ini-imagine ko lang na bahay." Nakatingin siya sa kawalan habang nakangiti.

"Masaya ka ba?" Tumingin siya sa akin.

"Thank you, for making my dreams come true and for making me happy every single day that we're together. I love you... my husband." I smiled. I heard it again, it's like music in my ears.

"Doon tayo sa garden!"

Hinila niya ako papunta sa garden. Nanatili lang akong nakatayo doon habang pinapanuod siya. Kitang-kita ang saya sa mga mata niya. Lalapitan ko sana siya pero bigla nalang nagring ang phone ko.

"Dad."

"Let's talk,"

"I'm with my wife."

"Come over, our company needs you badly." He ended the call.

Pumikit ako ng mariin dahil sa inis. Nakalimutan kong bukod sa asawa ko mayroon pa akong malaking responsibilidad na kailangang harapin. Our company is on debt. Mababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko maiaahon ito sa pagkakautang.

"Huy, may problema ba?" Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya.

"Yeah, office matters. I have to go, sasama ka ba?"

"Nah, dito nalang ako." Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

"Ingat," She waved at me smiling.

Paalis na sana ako nang bigla nalang siyang matumba. Buti nalang sa damuhan siya bumagsak. Mabilis akong tumakbo pabalik sa kanya.

"Okay ka lang ba? Bakit biglang namutla yang labi mo?" Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Hindi lang kasi ito yung unang beses na nakita ko siyang ganito.

"O-Okay lang ako! Ano ka ba nasobrahan lang ako sa saya. Hahahaha!" Tinulungan ko siyang tumayo. Napansin ko ang paghawak niya sa sintido. Alam kong may dinaramdam siya kaya nag-aalala na talaga ako.

"Dadalhin na kita sa hospital, tara na."

"Wag!" Nabigla ako sa pagsigaw niya.

"Okay nga lang kasi ako. Ang OA mo..."

"...OA as in over attractive." Kinurot niya ang pisngi ko. Nagpapacute na naman sakin ang asawa ko.

"FC ka naman." Binatukan niya ako ng malakas.

"Ang kapal mo!"

"Hindi pa kasi tapos, nagrereact na agad. FC as in forever cute. Happy now?" Namula siya at pinigilan ang sarili sa pagngiti.

"Sige na, lumayas ka na nga!" Sinipa niya ako sa tuhod. Napakasadista niya.

"Get some rest okay?" Tumango lang siya sa akin.

Dumating ako sa opisina pero wala pa doon si Dad. Ugh. Ang huklubang matanda na yun pinagmadali ako tapos siya wala pa pala dito. Naupo ako sa upuan sa tapat ng mesa niya. Nahagip ng mata ko yung isang folder sa lamesa.

Kinuha ko yung nakalabas na picture at tinignan iyon. Kumunot ang noo ko, picture kasi iyon ng isang babae. May babae na naman yata ang huklubang yun. Tinitigan kong maigi ang litrato at napagtanto kong may kahawig siya, yung kaibigan ni Annica na matalak.

"What are you doing?" Hinila niya sa akin yung picture.

"New mistress?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Business partner." Nagkibit balikat nalang ako. Wala naman akong pakialam sa kanya. Sasayangin ko lang ang oras ko kung magtatanong pa ako ng kung ano.

"So what's up?"

"Why did you rejected that deal?"

"What deal?" Pinaglaruan ko ang ballpen niya. Ang boring niya talagang kausap.

"That deal together with Ms. Aliyah Yuri Hill." Napatigil ako.

"Ayoko sa kanya, that's all. Maghanap ka ng ibang investor."

"You're the CEO of this company, how can you say those things to me? Matagal na yung nangyari sa inyo ni Aliyah, wag mong haluan ng personal matters ang business matters." Nakuyom ko bigla ang kamao ko. Alam niyang kahinaan ko ang nakaraan kaya ginagamit niya iyon lagi sa akin.

"Kung ayaw mong maghanap, ako nalang ang maghahanap ng investors. Happy? Can I leave now?" Tumayo na ako at naglakad na paalis.

"I signed it already." Napatigil ako. 

"What?" Humarap ako sa kanya. Nagpipigil ng galit.

"I'm still the president of this company so follow my orders. You're doing the project with Ms. Hill."

No. I can't. I promise that to my wife.

"Oh she's here," Lumingon ako sa pintuan at nakita ko siya.

Pagkatapos ng anim na taon ngayon ko lang ulit siya nakita. Hindi ko alam ang gagawin ko nang ngitian niya ako.

"Hi there, Kief."

"A-Aliyah." Our past haunted me again.

Please give me a time machine. So I can go out to this dimension where our past still exist.

Note ni Annica Ly

IPOPOST KO YUNG NEXT CHAPTER PAG MAY 30 VOTES NA YUN LANG THANK YOU HAHAHAHA

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon