KABANATA 28

2.8K 81 64
                                    

KABANATA 31

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Alam kong hindi rin magtatagal at babalik na kami sa dati. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko, nagulat ako dahil may bouquet sa sahig. Napangiti ako at kinuha iyon.

"Ang ganda ng ngiti mo ngayon hija." Naabutan ko si manang na nagluluto sa kusina.

"First year anniversary po kasi namin ngayon. Hindi ko alam kung naalala ni Kiefer, binigyan niya kasi ako ng flowers kaso walang note." Nakangiti ako habang nagkukwento sa kanya.

"Talaga? Mabuti naman. Sabi ko naman sayo magtiwala ka lang sa asawa mo." Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Nako hija amoy ulam ako ano ka ba." Hindi ko pa rin siya binitawan.

"Manang thank you po ah?"

"Para saan naman?" Kasi para ko kayong nanay at tinuturing niyo akong parang sarili niyong anak.

"Sa lahat po," Hinalikan ko siya sa pisngi. Umalis ako sa kusina na nakangiti. Naupo ako sa sofa at pinagmasdan yung malaking tarpaulin na pinagawa ko. Hindi na ako makapaghintay na umuwi si Kiefer mamaya.

"What's with that beautiful smile of yours?" Nagulat ako sa pagdating ni Angelo. Hindi ko na kasi siya nakausap kagabi matapos siyang bugbugin ni Kiefer.

"Halika nga rito," Hinila ko ang tenga niya at pinaupo sa sofa.

"Bakit ba?" Hinimas niya yung tengang piningot ko.

"Ano bang pumasok sa isip mo kagabi ha? Tignan mo nangyari sa mukha mo!" May pasa siya sa labi pati sa may bandang ilalim ng mata. Nagawa niya pang ngitian ako. Siraulo talaga.

"Effective naman diba? Nagkabati nga kayo eh, utang mo yun sakin kaya bayaran mo ako ngayon." Kinindatan niya ako. Hinampas ko siya ng unan.

"Lumayas ka na nga dito! Bwiset ka talaga!"

"Dahil ba bumalik na siya hindi mo na ako kailangan?" Sumeryoso nalang bigla ang mukha niya. Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko ang mga mata niya na parang may gustong sabihin.

"Joke lang, may pagkain ba kayo? Gutom na ako eh." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi, basta akala ko lang naman.

"May sarili kang bahay diba? Doon ka kumain!" Inirapan ko siya at iniwan sa may sala. Hindi ko napansin na sumunod pala siya sa akin papunta sa kusina.

"Bakit ang daming pagkain?" Pinalo ko yung kamay niya nang balakin niyang kumuha ng isang fried chicken.

"Wag mong galawin, para kay Kiefer 'yan."

"Lahat ba ng kanya hindi pwedeng maging akin?" Inirapan ko ulit siya. Umaandar na naman ang kalokohan ng lalaking 'to.

"Anniversary namin," Tumango siya. Nagtaka ako kasi lumabas siya ng kusina. Naghanda na kasi ako ng plato para makakain siya tapos nilayasan niya ako.

"Hoy saan ka pupunta?" Sinundan ko siya hanggang sa labas ng bahay.

"Aalis na, tinignan ko lang naman kung okay ka na. Mukha namang hindi mo na ako kailangan kaya aalis na ako." Nakangiti siya pero alam kong hindi totoo yun.

"Kailangan kita wag ka nga magdrama. Ikaw si mister right ko diba? Wag ka namang pumunta sa left." Napangiti siya dahil sa biro ko.

"Be happy tonight, enjoy your anniversary." Ginulo niya ang buhok ko bago sumakay sa kotse niya.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon