SPECIAL CHAPTER PART 1

1.1K 45 24
                                    

Special  Chapter Part 1    

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"Ate pwede mo ba akong dalhin sa Namsan Tower?"

Nasa garden kami ngayon ng hospital. Nakaupo sa wheelchair si Katherine, isang buwan na ang nakaraan nang maoperahan siya sa mata. Masaya ako dahil naging matagumpay ang operasyon kaya nakakakita na siya ngayon.

Tinapos ko ang pag-aaral ko dito. Isang taon na rin akong nurse sa hospital na ito. Tatlong taon na akong nakatira sa Korea pero ni minsan hindi ko binalak na pumunta doon dahil masyadong maraming alaala ang lugar na iyon sa akin.

"Pwede bang sa ibang lugar nalang? Maganda ang mga malls dito." Naupo ako sa harapan niya para magkapantay kami.

"Gusto ko po kasing makita yung cherry blossoms." Napangiti ako. Isang taon na akong nandito pero hindi ko pa rin nakikita ang cherry blossoms. Marami sa paligid pero iniiwasan ko.

"Sige, sasamahan na kita." Siguro nga oras na para tuparin ko ang pangarap ko.

Habang naglalakad kami sa paligid ng Namsan Tower parang bigla nalang bumalik lahat ng alaala namin dito ni Kiefer. Maaga pa at sobrang liwanag ng langit. Hindi ko maipaliwanag yung sayang naramdaman ko nang makita at mahawakan ko na ang cherry blossoms. Para akong bumalik sa pagkabata kahit bente uno anyos na ako ngayon.

Everything seems to be so young and fresh.

"Kasing ganda mo yung cherry blossoms ate Annica." Nginitian ko siya. Nilagay ko sa palad niya yung pinitas kong petals para sa kanya.

"Masaya ka ba?" Ngumiti siya at tumango.

"Masaya ka rin po ba?" Nawala ang ngiti ko. Pinipilit ko naman kaso hindi pa rin nawawala sa isip ko. Parang peklat na sa puso ko na habang buhay na naroon.

"Find your happiness." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. Inayos ko ang buhok niya na nagulo nang dahil sa hangin.

"Kailangan ko munang libutin ang buong mundo bago ko mahanap ang kaligayan ko. Mahirap, matagal, pero titiisin ko at maghihintay ako." Hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya. Pinatong ko sa kanya ang suot kong jacket para hindi siya malamigan.

Malamig ang hangin. Maaliwalas ang paligid. Mataas ang sikat ng araw pero hindi iyon masakit sa balat. Umuulan ng cherry blossoms. Napakapayapa ng pakiramdam ko. Parang bago akong silang na sanggol. Natupad ko na ang pangarap ko.

Mahimbing na natutulog si Katherine kaya hindi ko muna siya inistorbo. Nagpunta ako sa love locks na malapit lang din sa pwesto namin. Hinanap ko ang love lock namin ni Kiefer. Nang makita ko iyon ay napangiti ako. Kinuha ko ang puting panyo sa bulsa ko at pinunasan iyon.

Magkahiwalay kami, milya ang layo ko sa kanya but we're still under the same sky. This love lock will serve as a memory that even just for a while, we became a happy couple. Huminga ako ng malalim at binitawan na iyon. Panahon na siguro para mag let go ako.

Naglakad ako pabalik kay Katherine. Hindi matawaran ang ngiti ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Tatlong taon na ang lumipas pero ngayon lang ako nakapagdesisyon na gawin ang bagay na'to.

Moving on doesn't mean giving up. It means you've finally chosen to be happy again. Hindi ka natalo, pinili mo lang na maging masaya ka. Nawalan ka man, may taong darating para punan ang puwang sa puso mo.

Makakapag-umpisa na ako ng buhay na mapayapa at masaya tulad ng mga cherry blossoms. Inilagay ko sa bulsa ko yung panyo ko pero nahulog iyon. Pinulot ko ito at nagulat ako dahil may isa pang kamay ang nakita ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon