KABANATA 19

1.9K 48 15
                                    

KABANATA 19

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"Naaalala mo pa ba yung araw na inayusan kita para sa kasal-kasalan niyo ni Kiefer?" Natawa kaming dalawa nang maalala iyon.

"Oo naman, ayoko pa ngang sumama sa inyo pero pinosas niyo yung kamay naming dalawa kaya wala na akong nagawa." Masarap talaga alalahanin yung mga epic memories, iyon kasi yung mga 'the best memories' na maituturing.

"But today, the wedding is for real."

Nakaharap ako sa salamin kaya naman nakita ko ang ngiti niya. Nag-iisa akong anak na babae kaya naman itinuturing ko talaga siyang sarili kong ate. Dumaan din kami sa madilim na daan bago kami naging ganito kalapit sa isa't isa.

"Mesmerized with my beauty?"

"Hindi ah, mas maganda ako sayo." Sabay kaming natawa.

"I know my dear, you're so beautiful." Inilagay niya ang maliit na tiara sa ulo ko.

"Thank you,"

"For the compliment?"

"No. For staying right beside me like my own sister." Niyakap niya ako.

"It's nothing. I treat you like my own sister too. I'm happy for you my dear. Be happy and have a peaceful life." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Inayos niya ang belo at itinakip na sa tapat ng aking mukha.

"Don't be late. Paranoid si Kiefer baka mabaliw yun." Natawa ako sa sinabi niya.

Nagpaalaam na siya sa akin at lumabas na sa kwarto ko.

Tumayo ako sa upuan at muling tinignan ang sarili sa salamin. Ito na talaga yung araw na pinakahihintay naming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating pa kami sa puntong ito.

Napapikit ako dahil nasinagan ng araw mga makikinang na batong disenyo ng gown ko. Nang dumilat ako ay naging madilim na ang paligid. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Ilang minuto ang lumipas at nanumbalik ang paningin ko. Kinuha ko ang tabletang nasa lamesa at ininom ito kasabay ng tubig.

Naghahabol ako ng hininga. Wag ngayon, nagmamakaawa ako.

"Ma'am ready na po ba kayo?" Inayos ko ang sarili nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Napahawak ako sa sintido ko dahil sa biglang pagkirot nito. Pero pinilit ko pa ring makatayo. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang isang babaeng nagdadalang tao.

"Sino ka?"

"Ako po ang driver niyo ma'am. Hindi po kasi makakapunta yung asawa ko dahil may trangkaso kaya ako nalang po ang pumalit sa kanya."

Malaki na ang tyan niya kaya nakakatakot lapitan o hawakan manlang. Baka kasi bigla nalang lumabas yung bata sa tyan niya pero imposible naman yun diba? Nakakabaliw pala yung pagsakit ng ulo. Hayz.

"S-Sigurado ka? Kaya mo bang magdrive?" Tumango lang siya at ngumiti.

"Tara na po ma'am,"

Tinulungan niya akong buhatin ang gown ko pero pinatigil ko siya sa pag-alalay sa akin at siya nalang ang inalalayan ko habang pababa kami ng hagdan. Baka bigla kasing lumabas yung bata, nurse ako pero hindi ko pa nasusubukang magpaanak sa tanang buhay ko! Juicekopo.

"Matanong ko lang po, bakit hindi nalang kayo sa resort nag stay? Doon din naman po kayo ikakasal diba?" Natawa ako sa tanong niya. Naalala ko tuloy yung ginawa ni Kiefer kagabi.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon