KABANATA 4 - His Family

5K 117 9
                                    

KABANATA 4

His Family

 “Family where life begins & love never ends.”

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"GUSTO AKO MAKAUSAP NG MOMMY MO?!" Halos maputol yung litid sa leeg ko dahil sa ginawa kong pagsigaw. Oh my, oh my, oh my dog! Breathe in, breathe out.

"Bingi ka ba? Malinaw yung sinabi ko diba?" Tugon nito habang busy sa pagdo-doorbell sa gate ng palasyo nila. At tama kayo, nasa harap na kami ng mansion nila at kaunting oras na lamang ang nalalabi at MAMAMATAY NA AKO! HUHUHUHU!

"Kiefer naman eh, hindi ako prepared. Next time nalang please?" Pinagdikit ko pa yung dalawang palad ko at nagpacute sa harapan niya. Paano ba naman kasi, ikaw kaya sa lugar ko! Ang huli naming pagkikita at pag uusap ng parents niya ay two years ago pa! And it was our engagement party, that was the last time.

"Babalik na sila sa States bukas, kaya wala ka ng takas." He smirk. *Dugdugdugdug*

"WAAAAAAAAAAAAAAAH! ANONG GAGAWIN KO? MAAYOS BA ANG BUHOK KO? YUNG UNIFORM KO BA GUSOT NA? OILY NA BA ANG FES KO? MALINIS PA BA ANG MEDYAS KO? SHINY PA BA ANG SHOES KO?AHHHHHH! BAKIT BA KASI AKO NANDITO? SABI MO MAGDE-DATE TAYO EH!" Habang busy ako sa pagche-check sa sarili ko narinig ko lang siyang tinatawanan ako. Hudas talaga!

"Ang panget mo talaga." Tapos bigla niyang ginulo ang buhok ko. UGH! Halos mamatay na ako sa pag aayos ng sarili ko dito tapos guguluhin niya lang ang buhok ko?! HUDAS KA TALAGA!

"ANO BA?! AYOKO NA NGA! AALIS NA AKO!" Hinablot ko sa kanya yung bag ko pero hindi niya ako hinayaan. Sa halip ay nahila niya pa ako pabalik sa kanya. Bwiset! Nakapuntos na naman ang hudas at kasalukuyang nakayap sa akin ngayon! Tss.

"Your perfectly beautiful in your own way so don't bother fixing yourself." Hindi ako kinikilig. Pero sige na nga. Oo na kinikilig ako.

---Kiefer Lin's Point of View---

"Is that you, Yuri?" Naramdaman kong napabalikwas siya sa pagkarinig niya sa boses ni Mom kaya naman hinayaan ko siyang bumitaw sa pagkakayakap ko. Kinakabahan na yan, for sure.

"A-a-a-a-a-a-a-e-e-e-e-i-i-i-o-o-o-opo, Tita Keith." Utal utal na sagot nito kay Mom. Natawa nalang kaming mag ina sa inakto ni Annica. Halata kasing masyado siyang kabado.

"Let's go inside, we have a lot of things to talk with. Especially those things about you and my son." Sinabayan pa iyon ng misteryosong ngiti ng aking pilyang ina. Napatingin sa akin si Annica, sinuklian ko lamang iyon ng isang ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya na nagpangiti naman sa kanya. Nahuli ko naman si Mom na nakatingin sa akin, napaka pilya talaga siguro 'kinikilig' na naman yun samin.

Naunang pumasok sa loob si Mom at sumunod naman kami ni Annica sa kanya. Nanginginig yung kamay ni pandak, pasmado yata 'tong ba na'to. Baka umiinom ng sandamakmak na kape tuwing umaga.

"Kinakabahan lang ako, wag ka mag isip ng kung ano diyan. Hudas ka talaga." Napatingin ako sa baba, ang liit niya kasi eh. No offense, totoo naman kasi eh.

"Ang pandak mo talaga." Inirapan niya lang ako. Ang sarap talagang asarin ng pandak na'to. Hindi na niya ako pinansin nang makapasok na kami sa loob. Siguro nagsawa na ring makipagtalo sa akin kasi hindi naman siya mananalo.

Tahimik lang siya na nakaupo sa sofa. Nang tabihan ko siya bigla naman siyang umusod ng kaunti. Hays. Nagtatampo na naman. Silence covered us until my Mom arrived. Tumayo ako para tulungan siya sa tray na dala dala niya.

"Ma, marami naman tayong maids bakit kailangan ikaw pa ang magdala nito?" Ngumiti siya at pinat ang ulo ko.

"Ang sweet mo talaga baby ko, kaya love ka ni Mommy eh." Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko. K-Kasi naman, baka nakita ni Annica. Aasarin ako niyan na "Mama's Boy" -___-

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon