KABANATA 27

1.7K 56 21
                                    

KABANATA 27

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"Sigurado ka ba sa gagawin mo hija?" Nginitian ko si manang at nagpatuloy lang sa paghihiwa ng sibuyas.

"Baka hindi rin kasi 'yan kainin ng asawa mo, alam mo namang ilag sayo yun." Hindi ko alam kung yung sibuyas ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha ko o may mas malalim pa.

"Manang, kakainin niya po 'to. Alam mo ba? Nung fiance ko palang siya gustong-gusto niya na nagluluto ako yung tipong kahit sunog at masama ang lasa kakainin niya pa rin." Nakangiti ako habang inaalala ang mga iyon.

"Pero iba na kasi ngayon," Napatigil ako sa paghihiwa.

Iba na. Nagbago na. Lahat ng tao sa paligid ko pinamumukha sa akin yan pero heto pa rin ako. Hindi sumusuko.

"Ano ka ba naman? Bakit mo hiniwa ang daliri mo?!" Nabitawan ko ang kutsilyo at napaupo nalang sa sahig.

"Hija, gagamutin natin yan halika sa sala." Umiling ako.

"Hindi masakit, okay lang po ako." Tumayo ako ng mag-isa. Hindi dapat ako umaasa sa iba.

"Pero ang daming dugo, malaki yung sugat mo." Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Okay lang po ako, pwede bang iwan niyo muna po ako?" Tumango lang siya at umalis na.

Hinugasan ko ang sugat ko. Hindi tumigil sa pag-agos ang luha ko. Hindi masakit. Hindi ko nararamdaman. Manhid na ba talaga ako?

Nilagyan ko ng band-aid na may design yung sugat ko sa daliri. Napangiti ako. Naalala ko kasi nung ginamitan ko nito si Kiefer tapos nagreklamo siya kasi pangbakla daw. Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. Memories.

"Kahit ilang band-aid pa ang ilagay mo dyan hindi pa rin maikukubli ang sakit na nararamdaman mo." Nilapag ni Geramaica sa tabi ko yung tupperware na pinaglagyan niya ng mga niluto kong ulam.

"Kahit siguro makagat lang ako ng langgam pupuntahan mo ako dito sa bahay para kamustahin ano?" Piningot niya ang tenga ko.

"Masakit pa ba?" Umiwas ako ng tingin.

"Hindi na ako makahinga." Ngumiti ako ng pilit habang nakatingin sa kawalan.

"Umahon ka na." Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil ito.

"Mahirap. Hinihila kasi yung paa ko pababa kaya kahit anong gawin ko hindi ako makaahon. Kinakapos na ako ng hininga pero may mga taong katulad mo na nagbibigay sa akin hangin kaya buhay pa ako hanggang ngayon." Namalayan ko nalang na umiiyak na ako sa balikat niya.

I lost almost a thousand liter of tears because of this pain. This pain in my heart.

"Nasaan na ba yang si Kiefer? Malapit na mag 1pm wala pa rin siya dito."

Kanina pa nag-aalburoto sa galit si Maica. Hinihintay kasi namin si Kiefer dito sa opisina niya para ibigay sa kanya itong niluto kong pagkain. Pero tapos na yung lunch time wala pa rin siya.

"Lulu!" Nagulat siya nang makita ako.

"A-Annica?" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

"Bakit para kang nakakita ng multo?" Napansin kong parang bigla nalang siyang nataranta.

"H-Ha? Wala." Aalis na sana siya pero hinigit ko siya pabalik.

"Nagdala kasi ako ng mga pagkain for lunch. Kanina pa namin kayo hinihintay, nasaan na ba si Kiefer?" Hindi na niya sinagot ang tanong ko dahil ako na mismo ang nakasagot dito.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon