KABANATA 10 - Aliyah

2.3K 75 21
                                    

KABANATA 9


---Annica Yuri Lee's Point of View---

 

Lumabas ako sa cubicle at dumiretso sa lababo. Hinugasan ko ang kamay ko at di sinasadyang napatingin ako sa salamin. Natulala ako sa repleksyon ko dito. Iniiwasan kong tingnan ang sarili ko sa salamin dahil bumabalik sa akin ang alaala ng nakaraan.

Sabi ko kakalimutan ko na ang nakaraan pero mismong ang nakaraan ang ayaw akong iwan.


*Flashback*

Inihahagis niya yung mga bato sa dagat. Bawat paghagis niya ng bato sa dagat, dama kong punong-puno ito ng galit. Nilapitan ko siya, at niyakap mula sa likuran.

“K-Kuya ayos ka lang?” Pero nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Layuan mo na ako Yuri, ayoko na sayo!” Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko, yung luha ko parang tutulo na anumang oras ngayon.

“B-bakit?” Humarap siya sakin.

 Yung Kiefer na cold. Siya yung nakikita ko ngayon, hindi siya yung Kuya Kief na nakilala ko at nagbigay sakin ng masasayang alaala ngayong summer.

“Ayokong ma-engage sayo.”

“B-Bakit? A-Ayaw mo ba sakin?” Nanginginig na yung boses ko. Nakisama pa yung langit, bigla nalang kumulog.

“Kaibigan lang turing ko sayo.” Ganoon pala turing niya sa kaibigan? Umasa ako, akala ko may gusto na siya sakin. Tumalikod na siya at naglakad kung saan.

“Pero kuya...” Hinabol ko siya at pinigilan ang braso niya at hinarap ulit sakin.

 

 

 

 

“Mahal na kita...” Kasabay ng pagbuhos ng ulan at paghampas ng alon sa pampang ang paglabas ng mga luha sa mga mata ko. 

Kaya ako masaya kapag kasama kita... kaya gustong gusto kong maring ang tawa mo at makita ang ngiti mo araw araw... dahil mahal na kita.

“Hindi mo ako mahal Yuri, nasanay ka lang na lagi mo akong kasama. Masyado ka pang bata para sa ganyan.” 

“Hindi... Kuya Kief... mahal na talaga kita...” Niyakap ko siya ng mahigpit, I can’t let him go. 

“Sorry Yuri, but I’m courting someone. And my heart only beats for her.” Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. 

Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. 

“Maghihintay ako dito bukas, kapag hindi ka dumating ipinapangako ko sayo na ibabaon ko na sa limot lahat ng alaala natin sa lugar na ito...” Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan akong huminga dahi sa pag-iyak. Napahinto siya pero hindi niya ako nilingon.

“Aalis na ako bukas kailangan kong makipagkita kay Aliyah, wag ka na maghintay dahil walang darating.”

 Aliyah?

*End of Flashback*

 

Umiling ako. Bakit ba hindi ko iyon magawang kalimutan? Si Aliyah, ang first love ni Kiefer na patuloy akong minumulto sa mga panaginip ko. Si Aliyah na naging dahilan ng aksidente ko, si Aliyah... ang babaeng dahilan kung bakit niya ako iniwan noon.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon