KABANATA 15

2.1K 64 4
                                    

KABANATA 15

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Kumuha ako ng dalawang tableta mula sa sa puting sisidlan at magkasunod na ininom ito. Kinuha ko ang tubig sa aking gilid at inibos ang laman nito. Kailangan kong maging malakas kahit nakakapanghina lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Tinungo ko ang terrace at binuksan ang glass door upang madama ang malamig na hangin.

Pinagmasdan ko ang mga nagkalat na asul na rosas sa buong paligid. Ang mga dekorasyon na pinuno ng puti at asul na rosas. Ang mga ilaw na nagpapaningning sa buong paligid. Ang entablado sa gitna kung saan hinahangad ng lahat ng babae na maupuan ang engrandeng silya na tila ba'y para sa isang reyna. Lahat ng nakikita ko ay naaayon sa paboritong kong kulay.

Napakaperpekto ng lahat, ito na yata ang klase ng pagdiriwang na nanaisin ng isang babae sa kanyang ikalabingwalong kaarawan. Nasa akin na ang lahat. Pero ang hinahangad kong kapayapaan ng kalooban at kasiyahan ay kailanma'y hindi sakin napasakamay.

Pumikit ako at dinama ang napakalambing na musika na nagmumula sa ibaba. Malamig ang hangin at napakaraming bituin sa langit. Napangiti ako dahil ang gabing ito ay tila ba isang perpektong gabi.

Pero ayokong mangarap. Alam kong walang perpektong bagay sa mundo. At hindi lahat ng bagay na maganda, mamahalin at elegante ay magpapasaya sayo. Higit sa lahat, hindi mo alam kung kailan kukunin lahat ng bagay at taong mahalaga sayo. Kaya dapat maging masaya ang bawat sandali mo sa mundo.

Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang mga dumalo sa aking pinakahihintay na araw. Ang mga mahahalagang tao sa buhay ko at maging ang mga nagpapakitang tao. Ngunit ang taong kanina ko pa hinihintay ni anino ay hindi ko manlang nakita. Pinanganak na yata ako para pagkaitan ng kasiyahan.

Alam kong maraming bituin sa langit, pero siya lang ang nag-iisang bituin ko. Maraming taong gustong mapasaya ako, pero siya lang yata ang makakapagpangiti sa akin ng totoo. Hinawakan ko ang kwintas na nakasuot sa akin. Naalala ko nung araw na binigay sakin 'to ni Kiefer sa kaarawan ko dalawang taon na ang nakakalipas. Ang sarap alalahanin ng nakaraan lalo na kung mayroon ka talagang babalikan.

"My baby is now a lady." Lumapit sa aking kinaroronan ang aking ina.

Hindi ko namalayang kumawala ang luha sa aking mata. Tulad ko, tumatanda din ang mga magulang ko. Lahat ng ito ay ginawa nila para mapasaya ako sa araw na ito at hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang lahat ng iyon.

"Mom, thank you. I owe a lot from you, I really thank God for giving me such a great gift like you. I'm so blessed."

Binigay ko sa kanya ang pinakamainit na yakap ko para sa malamig na gabing ito.

"I am more grateful to have you, Annica."

Marahan niyang hinimas ang aking likod at naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Wala nang hihigit pa sa yakap ng isang ina.

"By the way hija, I have a surprise gift for you."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nagmadaling buksan ang pinto. Yumuko ako para punasan ang luha ko at nabigla na lamang ako nang masilayan ko kung sino ang taong nakatayo sa aking pintuan.

"M-Miles?" Nanlaki ang mga mata ko.

Ang pinakamatalik kong kaibigan na naglaho na lamang na parang bula tatlong taon na ang nakakalipas ay nasa harapan ko na ngayon. Agad akong tumakbo papunta sa kanya ngunit nawalan ako ng balanse dahil sa bigat ng suot kong gown. Agad naman niya akong dinaluhan at tinulungang makatayo.

"Ayos ka lang ba kambal?"

Kambal. Namiss ko yung pagtawag niya sa akin ng ganyan. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin lahat ng pinagsamahan namin sa nakaraan. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayang maglakad. Pinaupo niya ako sa aking kama.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon