KABANATA 13 - Birthday wish

2.8K 79 17
                                    

Author's Note:

ANG FIANCE KONG HUDAS (BOOK 1) WILL BE AVAILABLE THIS DECEMBER ON ALL BOOKSTORES NATIONWIDE! GRAB A COPY :D

KABANATA 13

 

Birthday wish

---Annica Yuri Lee's Point of View---

 

 

"I know it's crazy but I fell in love with an immature kid, the kid sitting next to me."

 

Pakshet. Eh ako lang naman yung nasa tabi niya! Pwera nalang kung may multo sa tabi niya nung mga oras na yun. Pakshet ulit. Hinalikan niya pa ako. Uulitin ko pa ba? Pakshet! Hinalikan niya ako! Anong dapat kong isipin? Ugh.

Damn you, Ryuu Lin.

 

 

"Fell! As in past tense, as in tapos na! Bakit ka pa nag-iinaso dyan?!" Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagtatali ng buhok ko. Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi sa akin ni Ryuu noong gabing iyon. Mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba dapat ang dapat na iniisip ng aking isip. Ugh.

Dapat isipin ko nalang na walang akong iniisip. Wala na, sabog, bangag!

"Iba kasi yung pakiramdam ko, parang may mali, parang may kulang." Hinarap ako ni Geramaica sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Talagang may kulang, dahil kapag pumalpak ka ngayong araw magkukulang grades mo at hindi ka makakatuntong ng third year." Akala ko pa naman papayuhan niya ako ng kung ano, yun pala mamimilosopo na naman. Tss.

"Bwiset ka talaga, ikaw ang pinaka sweet na kaibigang nakilala ko. Tss."  Nginitian niya lang ako at inakbayan. Huling araw na ng on job training namin dito sa hospital at makakapag bakasyon na rin sa wakas. Hindi ko lubos maisip na malapit na akong mag third year at konting kembot nalang talaga ay magiging ganap na nurse na ako.

Nagtaka ako dahil tumigil si Geramaica sa harap ng kalendaryo. Hindi ko siya pinansin at inayos nalang ang mga gamit na kailangan ko.

"Beshi, malapit na pala yung birthday mo ah? Saan mo balak mag celebrate?" Natigil ako sa ginagawa ko. Malapit na pala akong mag eighteen ibig sabihin malapit na akong tumuntong sa legal age ko. Ibig sabihin...

"Yieeee! Pwede na sila ikasal ni Kiefer! Hahaha!" Binato ko sa kanya yung cotton at alcohol na hawak ko. Si Kiefer? Tss! Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos. Kung may contest lang talaga ng pataasan ng pride, malamang champion kaming dalawa.

"Walang kasalang magaganap, magsama sila ni Aliyah! Tss!" Kinuha ko lahat ng gamit at gamot na kailangan ko at iniwan na siya.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon