KABANATA 22

1.5K 87 6
                                    

KABANATA 22

---Kiefer Lin's Point of View---

"Honey, sweetie pie, baby, bae, babe!" Kanina niya pa ako niyuyogyog. Ayokong dumilat dahil hindi niya pa rin sinasabi yung magic word.

"HOY HUDAS KA GUMISING KA NA NGA DYAN!" Pinaghahampas niya ako ng mga unan pero hindi ako nagpatinag.

"So umaasa ka na sasabihin ko yung magic word? Sorry but it's limited edition. Kung ayaw mo bumangon dyan, fine! Sino ba ang male-late?" Naramdaman kong bumaba na siya sa kama namin at binalibag ng malakas ang pintuan ng kwarto.

Bumangon ako. Mautak talaga yung bubwit na yun. Tss. I wash up as fast as I can. I have a lot of stuffs to do in our office. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng suit. Nagulat ako dahil may marka ng plantsa yung suit ko.

"Bae, nasunog ko pala yung isa mong suit ha?! Pasensya!" Bae. Tapos mamaya babe, honey, baby. Just call me husband for Pete's sake!

Napailing nalang ako habang tinitignan ang suit ko. Ayaw niyang kumuha ng maid pero halata namang hindi niya kayang gawin yung mga gawaing bahay dito. Napangiti nalang ako. She's trying to be a good wife to me.

"Breakfast served!" Lumabas siya sa kusina na naka apron na may mukha pa ni Sehun sa gitna. I sighed. Fangirl.

"Nagluto ka? Buti hindi mo pinasabog yung kusina?" Biro ko. Hindi niya iyon pinansin at pinaghainan pa ako ng pagkain. My sweet and caring wife.

"Let's pray first." Pumikit siya at taimtim na nagdasal. I smiled. That's the greatest thing about my wife, her faith in God.

"Amen." Tinitigan ko ang mga pagkain at natawa nalang habang umiiling. Sunog na hotdog, bacon at itlog. Pati yung tinapay nasunog din sa toaster. Kahit yung kape, sobrang pait.

"Sa tingin ko kailangan na nating kumuha ng maid para hindi ka na maabala para makakain naman tayo ng matinong pagkain. Ano sa tingin mo?" Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Annica, I'm asking you." Tumingin siya sa akin ng masama.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo yung pagkain."

"Nagtampo agad, halika nga dito." Pumunta ako sa tapat ng upuan niya. Lumuhod ako sa harapan niya para magkapantay kaming dalawa.

"Ayoko lang na mahirapan ka. Nag-aaral ka pa tapos meron ka pang on job training sa hospital, walang mag-aasikaso sa gawaing bahay." Matagal niya akong tinitigan.

"Sige na nga, pero matanda kunin mo ha." Tumawa ako ng mahina. Kaya naman pala.

"Selosa ka talaga." Ginulo ko ang buhok niya. Naupo ulit ako sa upuan ko at kumain.

"Kamusta pala?"

"Ang alin?"

"Yung company niyo, may problema diba?" Napatigil ako sa pagkain.

Hindi niya pa pala alam yung tungkol doon sa deal. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Nataranta ako kaya nahulog ko yung kutsara sa sahig.

"May bisitang darating? Ano ba yung nahulog mo?"

"A-Ah kutsara,"

"Babae? Hmmm baka si Maica. Teka, ikukuha kita ng bago sa kusina."

Natulala ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Here," Binigay niya sa akin yung kutsara at naupo muli sa harapan ko.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon