KABANATA 24

1.3K 58 6
                                    

KABANATA 24

---Kiefer Lin's Point of View---

"Alam kong mahal mo ang anak ko Kiefer pero kung gusto mo nang magmahal ulit hindi ka naman namin pipigilan. Pero sana, nagsabi ka manlang." Umurong ang dila ko nang marinig ko iyon mula sa Mommy ni Annica.

"Ma, hindi ko po kayo maintindihan."

May inabot siya sa aking envelope. Puro litrato naming dalawa ni Aliyah iyon habang magkasama kami sa iba't ibang lugar.

"Nagkakamali po kayo, wala kaming relasyon ni Aliyah. She's just my business partner, no strings attached." Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

"Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo, stop explaining everything to me. Kinausap kita para sabihin ang side ng pamilya namin. Pakiramdam kasi namin iniwan mo na ang anak ko."

Ramdam ko ang sama ng loob niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi na ako madalas nagpapakita sa kanila at ngayon lang ulit ako nakadalaw kay Annica. Pero may rason naman kung bakit, kailangan ko munang ibangon company namin mula sa pagkakautang.

"Sorry, ma." Lumuhod ako sa harapan niya. Wala na akong naisip na gawin kundi ito lang.

"Hindi ko po inaasahan na mangyayari to, sorry po."

Hindi ko alam na napabayaan ko na ang asawa ko dahil sa pesteng negosyo namin. Kung nandito lang sana siya may makakasama ako sa lahat ng problemang ito. Kaso wala siya, wala siya.

"Wag ka sa akin humingi ng tawad. Sa anak ko, sa kanya ka humingi ng tawad." Umalis siya sa harapan ko na hindi manlang tinanggap ang sorry ko. Nakita ko si Aliyah sa tapat ng pintuan ko. Ngumiti siya. Pilit.

"Nagdala kami ng bulaklak para sa kanya." Isang buwan na naman ang lumipas nang hindi ko namamalayan.

"Pasensya na kung biglaan yung pagdalaw namin, pinilit kasi ako ni Kane." Naupo kaming dalawa, nilagay niya sa pagitan namin ang mga bulaklak na dala niya.

"Si Kane?" Hindi niya ako nilingon. Nakakapagtaka.

"Pinuntahan niya si Annica."

"May problema ba?" Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago sumagot.

"Sorry," I knew it. Narinig niya yung usapan namin ng Mommy ni Annica.

"Don't be sorry."

"Ginugulo ko na ba ang buhay mo?" I saw sadness in her eyes.

Ang ayoko sa lahat, yung makakakita ako ng babae na tinitignan ako ng ganoon. Nakokonsensya ako.

"Matagal nang magulo ang buhay ko." Napayuko siya sa sinabi ko.

"Mas maganda siguro kung hindi nalang muna tayo magkikita. Papapuntahin ko nalang sayo yung secretary ko kung may kailangan ka regarding sa project na ginagawa natin." I know, she's worried. Wala siyang kahit anong intensyon pero nadadamay siya sa magulo kong buhay.

"Pero family day ngayon ni Kane diba? He needs me." Tumango siya.

"I'll keep a distance from you."

"No. It's okay, let's stay the same way. Hindi mag e-enjoy si Kane kapag napansin niyang may problema sa ating dalawa."

Nabigla ako nang yakapin niya ako. Matapos ang maraming taon ngayon lang ulit kami nagkalapit ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko pero awtomatikong yumakap sa kanya ang mga kamay ko.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon