EPILOGUE

3.5K 91 102
                                    

EPILOGUE

---Kiefer Lin's Point of View---

Husband, husband, husband, husband, husband, husband! Nagsisisi ako kasi hindi kita tinawag ng ganyan ng maraming beses. Nakangiti ako sa mga oras na ito dahil inaalala ko yung magagandang memories na pinagdaanan natin. Mula sa pagkabata natin hanggang sa magpakasal tayo. Yung pagpapakasal sayo, yun lang ang desisyon ko na kahit kailan hindi ko pinagsisihan. Naging masaya ako bilang asawa mo, kahit saglit lang yung panahon na pinahiram sa atin.

Gusto ko lang malaman mo na hindi ako nagtanim ng galit sayo kahit kailan. Naiinis nga ako eh. Kasi naman, yung puso ko akin 'to pero tumitibok para sayo. Kahit anong gawin kong pagdikta dito na kalimutan ka na ayaw niya pa rin. Ako pa nga ang kinalimutan ng sarili kong puso. Nasasaktan na ako pero wala siyang pakialam. Tinuloy niya pa rin ang pagmamahal sayo at hanggang ngayon ginagawa niya pa rin.

Humihingi ako ng sorry. Muntik ko na kasing tanggalin ang puso ko para mapalitan ng iba. Muntik na akong mahulog sa iba habang wala ka. Pero pinigilan ko. Nagawa ko naman. Siguro ganito kapuro yung pagmamahal ko sayo na kahit nandyan na sa harapan ko yung tukso hindi ko pa rin papansinin. Nakakalungkot lang isipin na hindi tayo pareho ng kinahinatnan sa huli. Nahulog ka kasi sa patibong. Sorry, hindi kita nailigtas. Sorry, binitawan kita.

Alagaan mo ang sarili mo. Alagaan mo ang susunod na babaeng mamahalin mo. Wag mong hahayaang matulad siya sa akin. Wag mo siyang sasaktan. Mahalin mo siya, higit pa sa pagmamahal na binigay mo sa akin. Ingatan mo siya, wag mo siyang bibitawan.

May gusto lang sana akong hilingin sayo, huling hiling na sana mapagbigyan mo. Alam ko sa mga oras na'to alam mo na ang totoo. Pero sana wag mong gawing miserable ang buhay ng kaibigan ko. Mahal ko si Miles. Kaya kahit sarili kong buhay inalay ko para sa kanya. Patawarin mo siya, patawarin mo ako. Naging tikom ang bibig ko sa krimen na nangyari nang gabing iyon. Pag nagmahal kasi ako ibibigay ko ang lahat hanggang sa wala nang matira sa akin.

Masyado pa nga siguro tayong bata para pasukin yung buhay mag-asawa. Pero wag kang mag-alala alam ko naman na balang araw makikita ko rin yung lalaking makakasama ko habang buhay. Ipangako mo sa akin na magiging masaya ka. Pangako, magiging masaya rin ako.

Akala ko ikaw ang unang bumitaw sa ating dalawa pero nagkamali ako. Sabay tayong bumitaw, sabay tayong sumuko. Mahirap lumaban sa gera ng wala kang armas. Hindi lang siguro natin namalayan pero marupok talaga ang pundasyon ng pagmamahalan natin. Hindi masyadong matibay, hindi puro.

Pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa bilyon-bilyong tao sa mundo nagtagpo tayo sa hindi inaasahang panahon. Tulad ng sinabi ko dati sayo, milyon-milyong bagay ang hiningi ko sa Kanya pero ikaw lang ang binigay niya sa akin. Why? Because you're worth the million things I wish for.

This is not the end. Pwede tayong magsimula ulit pero sa magkahiwalay na landas na. You're already forgiven so don't be sorry. Don't waste your time saying that word. It breaks my heart.

Thank you for the love. Thank you for making me feel loved. Thank you for your existence. Thank you and I'm sorry.

I love you, husband.

"Hanggang ngayon nasa iyo pa rin 'yan?" Tumawa siya ng mahina. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya gising. Tinupi ko ang sulat na iyon at nilagay sa wallet ko.

"Gising ka na pala, may gusto ka bang kainin?" Umiling siya at tumingin sa akin. Sobrang lapad ng mga ngiti niya.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon