KABANATA 16

2.1K 67 5
                                    

KABANATA 16

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Lahat ng mata ay nakatuon sa akin na tila ba'y isa akong diamante na pag-aagawan ng kung sino man ang makakakita. Hinanap ng aking mata ang bisitang pinakahihintay ko pero nabigo na naman ako. Ngumiti ako ng pilit at nagsimula nang maglakad.

Settle down with me, cover me up, cuddle me in
Lie down with me and hold me in your arms
And your heart's against my chest, your lips pressed to my neck
I'm falling for your eyes, but they don't know me yet
And this feeling I'll forget, I'm in love now ♪

Masarap sa tenga ang musika na tumutugtog habang naglalakad ako patungo sa aking upuan. Naalala kong si Kiefer pala ang pumili noon para mapunta lang daw sa kanya ang atensyon ko sa araw na ito. Hindi naman siya nabigo, pagkaggising ko palang sa umaga siya na ang iniisip ko. Pero wala siya dito.

♪Kiss me like you wanna be loved
You wanna be loved, you wanna be loved
This feels like falling in love, falling in love
We're falling in love ♪

We're falling in love, literally. Masakit mahulog tapos hindi mo alam kung tutulungan ka pa ba niyang tumayo o tatayo ka nalang mag-isa para gamutin yung sugat mo.

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Akala siguro nila tears of joy ito. Pero nagkakamali sila dahil hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Huminga ako ng malalim at pasimpleng nagpunas ng luha. Muli akong ngumiti, pilit.

♪Settle down with me and I'll be your safety
You'll be my lady
I was made to keep your body warm
But I'm cold as the wind blows so hold me in your arms, oh no ♪

Malamig, Kiefer. Hindi ka ba darating para yakapin ako at maibsan ang lamig na nararamdaman ko? I badly need that Judas.

Inalalayan ako ng Kuya ko paakyat sa entablado kung saan naghihintay ang upuan na tila ba'y nakalaan sa isang reyna. Hindi ba dapat ang hari ko ang aalalay sa akin? Bakit lahat nalang may substitute? Hindi ba pwedeng kung sino ang dapat sa posisyong iyon siya nalang? Dahil hindi lahat ng gusto mo sang-ayon ang tadhana. Ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.

And your heart's against my chest, your lips pressed to my neck
I'm falling for your eyes, but they don't know me yet
And this feeling I'll forget, I'm in love now ♪

Pumikit ako at dinama ang lamig maging ang musika na napakalambing para sa aking pandinig. Pinipilit kong wag malungkot pero hindi ko maiwasan. Masyado na ba akong lunod sa pag-ibig? Hindi ko na magawang makaahon. Tama nga yung sinabi nila, ang pag-ibig daw parang pagpasok sa mundo ng k-pop. Kapag nakapasok ka na hindi mo na magagawang makalabas dahil ang puso mo nakatali na sa isang tao.

Kiss me like you wanna be loved
You wanna be loved, you wanna be loved
This feels like falling in love, falling in love
We're falling in love ♪

Eighteenth birthday. Palagpasin mo na ang lahat ng kaarawan ng isang babae wag lang ang taong ito. Kiefer, darating ka diba? Sana parang magic nalang ang lahat. Yung tipong kapag sinabi kong pagkadilat ko nariyan ka na sa harapan ko. Pero malabong mangyari yun. Dahil ang magic para lang sa fairytale, at ang fairytale ay malayo sa katotohanan.

Idinilat ko ang mga mata ko. Bigla nalang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa upuan ko. Halos liparin ako ng hangin, nataon pa yata ang buhawi sa birthday ko kung minamalas ka nga naman oh.  Nagtilian yung mga babae at nagtakbuhan lahat ng tao papunta gilid dahil ramdam kong ang hangin ay patungo sa kinaroroonan ko. Ganyan tayo eh, sa umpisa kasama ko kayo pero pag nagkagipitan na ako nalang mag-isa.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon