KABANATA 1 - For HER happiness

10.9K 224 52
                                    

 Property of Annica Ly (DMSB)

KABANATA 1

For Her happiness

"Letting you go is hard, but if it's the only way to make you happy... then I'm willing to give it."

----Third Person's Point of View---

Lahat ng tao sa simabahan ay inaabangan ang pag uumpisa ng kasal at higit sa lahat ay ang pagdating ng babaeng pinaka espeyal sa araw na ito. Pero ang lalaking kanina pa nakatayo sa entrada ng simabahan ay isang tao lang ang talagang hinihintay.

"Kiefer," Lumapit sa kanya ang kapatid niyang si Ryuu. Dalawang taon ang nakalipas, maraming nangyari, nabuo at nagbago. Kumpara dati, mas maayos na 'kahit papaano' ang pakikitungo nila sa isa't isa pero hindi pa rin maiiwasan ang kanilang sagutan paminsan minsan.

"Don't worry bro, she's coming." Tinapik niya ang balikat ng kapatid at ngumiti. Agad naman itong sinuklian ng isa pang ngiti ni Kiefer.

"Yeah, I know." Muli siyang sumulyap sa kanyang relo. Hindi siya mapakali, pakiramdam niya may masamang nangyari.

"Here comes the bride!" Sa isang iglap ay nawala lahat ng kaba at takot ng binata. Nabuhayan siya ng dugo nang marinig ang boses na iyon. Tumakbo siya papunta sa labas ng simbahan ng may ngiti sa labi. Hinanap niya ang presensya ng babaeng pinakahihintay niya, ngunit ni anino nito'y wala siyang natagpuan.

"K-Kiefer," Napako siya sa kanyang kinatatayuan, habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng pangkasal. Ang puting damit nito'y ngayon may mantsa na ng dugo. *Dugdugdugdug* Lalong lumakas ang pagtibok ng kanyang puso. 

"Si... A-Annica," Kinuha ng babaeng nakadamit pangkasal ang kanyang palad at inilagay doon ang isang kwintas. Sa di malamang dahilan ay sandaling huminto ang kanyang pulso, ang kanyang mundo, at ang kanyang puso.

----Kiefer Lin's Point of View----

Mag isa akong naglalakad sa pasilyo ng ospital, hawak ang paboritong bulaklak ng babaeng aking pinakamamahal. Hindi na ako makapag hintay na muling marinig ang kanyang boses, mayakap, at mahawakan ang kanyang kamay. Ilang araw lang naman ang lumipas pero para sa akin ay taon na ang nagdaang panahon. 

Napangiti ako nang matanaw ko ang kanyang silid. Nilakihan ko ang aking mga hakbang upang agad akong makarating doon, hindi maitatangging sabik na sabik ako sa kanya. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng kanyang silid ay bigla akong nakaramdam ng pag aalinlngan, takot at kaba. 

Huminga ako ng malalim, bago pihitin ang seradura ng pintuan. Naabutan ko siyang nakahiga sa kamang hindi niya pagmamay-ari at nakatulala sa bintana. Naawa ako sa kanya nang makita ko na naman ang bendang nasa ulo niya, kung pwede lang sana na ilipat nalang sakin lahat ng sakit na nararamdaman niya at karayom na tinutusok sa kanya.

"Annica," Naghintay ako na lingunin niya ako, pero wala akong napala. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako narinig o mahina lang ang pagkakasabi ko. Nilapitan ko nalang siya para matigil na ang katanungan sa isipan ko. 

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon