KABANATA 23

1.4K 48 5
                                    

KABANATA 23

---Kiefer Lin's Point of View---

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Bumangon ako para isara ang kurtina. Mula nang mawala siya dito sa bahay lagi kong binubuksan ang kurtina para magising ako, yung matalak niya kasing bibig ang alarm clock ko. Napangiti ako. Pagkagising ko palang sa umaga siya na ang nasa isip ko.

"Sir, kain na po."

Nginitian ko lang si Manang na naglilinis sa may sala. Pumunta ako sa dining table at naupo sa harap ng mesa. Tinignan ko ang mga masasarap na pagkain na nakahain pero yung sunog na pagkain na luto ng asawa ko pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Nilagyan ko ng pagkain ang platong nasa harapan ko. Sinalinan ko din ng gatas ang baso at iniligay sa tabi ng platong iyon. Ngumiti ako na parang tanga. Nababaliw na yata ako.

"Namimiss niyo po si ma'am?" Ngumiti ako ng pilit.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang mawala siya dito. Kinakain ako ng lungkot pero pinagpapatuloy ko ang buhay ko para sa kanya. Ayokong malungkot siya kaya naman magiging masaya ako para sa kanya.

"Hindi ka pa po ba nasanay? Araw-araw ko naman siyang namimis, manang." Uminom lang ako ng konti mula sa baso ng kape at nagmadali nang lumabas.

"Sir, yung bulaklak niyo po para kay ma'am!" Bumalik ako para kunin sa kanya yung mga bulaklak.

"Salamat ho, manang."

Mabilis akong nakarating sa kinaroroonan niya. Napangiti ako nang makita ko siya. Inilagay ko sa gilid niya ang mga bulaklak at naupo sa tabi niya.

"Good morning sa pinaka maganda kong asawa."

"Nagpunta ako sa Korea kahapon para lang magpa picture sa cherry blossoms. Tignan mo."

Nilapag ko sa tabi niya yung picture frame kasama ang ilang petals ng cherry blossoms na medyo nalanta na.

"Hindi mo na naman sila nakita. Naiinggit ka siguro sakin no? Hayaan mo darating din yung panahon na makikita mo yung mga cherry blossoms. Hintayin mo ako, para sabay nating makita." Kung may makakakita siguro sakin aakalain nilang baliw ako dahil nakikipag-usap ako sa hangin.

"Magpahinga ka na."

"I love you, my wife." Hindi na ako umasa sa tugon niya dahil alam ko namang hindi siya sasagot.

---Aliyah Yuri Hill's Point of View---

"You visited her?" He smiled. I can feel his love for that girl. Unluckily I wasn't able to meet her.

"Have a sit," He looks so out focused. He's still in a grief because of her wife. I felt pity for him.

"Are you okay?"

"I am, may pag-uusapan tayo diba? Just proceed." He's so cold. Ilag siya sa akin. He's still haunted by our past.

"Yeah about that, I visited the area yesterday and about sa materials sa tingin ko..." Tumigil ako sa pagsasalita. Para kasi akong nakikipag-usap sa hangin.

"Nakikinig ka ba?" Para siyang nagising sa panaginip. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I'm not on my mood, sorry."

"It's okay, I understand."

"Can I leave now?" I just nodded and smiled. He was about to go when suddenly my son came. Yes, I have a son.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon