KABANATA 12 - Hidden Pieces

2.1K 77 13
                                    

KABANATA 12

 

Hidden Pieces

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Dinala ako ng mga paa ko pabalik sa hospital. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako napunta imbes na umuwi ako sa bahay. Hindi ako pumasok sa loob at sa halip ay naupo ako sa garden para tanawin ang langit.

"Bakit nandito ka pa?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ryuu na nakatayo sa likuran ko. Gusto ko sanang matawa dahil nakakatuwa talaga yung accent niyang tagalog pero bigla nalang sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman si Kiefer sa pagtingin sa mukha niya.

"Gusto ko lang makita kung gaano kaganda yung mga bituin sa langit. Wala kasing permanente sa mundo diba? Hindi natin alam kung kailan maglalaho ang lahat." Tinanggap ko ang inabot niya sa aking isang baso ng gatas. Naupo siya sa tabi ko pero nag iwan siya ng malaking espasyo sa pagitan naming dalawa. Ayaw niya talagang madikit sa akin, napaka arteng lalaki.

"There are a lot of beautiful things in this world but why all of a sudden you chose to see the stars?" Napangiti ako sa tanong niya. Hahawakan ko sana ang kwintas ko sa leeg para ipakita sa kanya pero bigla kong naalala na binalik ko na pala iyon kay Kiefer.

"Para kasi sa akin yung mga bituin ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Maglaho na ang lahat sa paningin ko, wag lang ang nag-iisang bituin na nagbibigay liwanag sa buhay ko." Hindi na siya muling nagtanong pa. Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

"I hate babysitting immature kids." Nagulat ako dahil bigla niya nalang hinubad ang white coat niya at ipinatong sa balikat ko. Palihim akong napangiti. Kahit minsan sobra-sobra ang pinapakita niyang kademonyohan sa akin hindi pa rin maitatanggi na pinahahalagahan niya ako bilang isang kaibigan.

"Diba sabi nila magkakatotoo ang wish mo kapag nag wish ka sa shooting star? Humiling ako dati sa shooting star, akala ko tutuparin niya pero hindi naman pala." Hiniling ko na sana wag na kami babalikan ng nakaraan. Pero pakiramdam ko unti-unti na naman kaming minumulto nito.

"You don't need a genie or a shooting star. All you need is Him, the one that's watching us from above." Nilingon ko siya sa gilid ko at nakita kong nakatingala siya sa langit habang nakangiti.

Siguro nga masama pa rin ang ugali niya. Pero ibang-iba na si Ryuu, hindi na siya yung nakilala ko dati na kayang pumatay ng tao makuha lang ang gusto niya. Malaki talaga ang naging bahagi ni ate Lucy sa bagong Ryuu na kasama ko ngayon.

"Salamat," Umusod ako palapit sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Akala ko tatanggalin niya iyon pero hindi niya ginawa. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng konting ginhawa.

"Hiding those tears is non-sense," Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Napatingin ako sa kanya at isang alaala ang nanumbalik sa akin.

*Flashback*

“Don’t waste your tears,” Seryoso na naman ang mukha niya. Panandalian lang pala ang nakita kong other side niya kanina.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon