KABANATA 17

1.6K 57 2
                                    


KABANATA 17

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Tinignan ko ulit ang address na binigay sakin ni Miles at muling tumingin sa malaking mansion na nasa harapan ko. Napangiti ako. Nasa mabuting kamay naman pala si Miles, hindi ko na kailangang jmag-alala pa. Nag doorbell ako at agad naman akong pinagbuksan ng gate ng isang lalaking nakatuxedo. Dinala niya ako sa hardin at pinaupo sa isa sa mga upuan doon.

"Pababa na si Miles," Napalingon ako sa babaeng nagsalita. May katangkaran siya at may balingkinitang katawan. Biniyayaan din siya ng kagandahan, loob at labas.

"May gusto ka bang kainin hija?" Naupo siya sa upuang nasa harapan ko. Imbes na mahiya ay naging panatag ang loob ko sa kanya. Baka kapatid o kaya tita siya ni Miles.

"Wala po, okay lang po ako." Nakangiti kong sagot. Agad din naman niya akong sinuklian ng ngiti.

"If I'm not mistaken, you're Annica right?" Nagulat ako dahil kilala niya ako. Pero sa halip na magtanong ay tumango nalang ako.

"Tama nga si Miles, you're so beautiful." Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at marahan itong tinapik.

"Salamat po," Namula ang mukha ko dahil sa papuri niya.

"Mom, I'm here!"

Nabaling ang tingin ko kay Miles at tumingin ulit ako sa babaeng nasa harapan ko. Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nataranta ako at tumayo sa upuan ko. Yumuko ako at nagmano sa babaeng kausap ko kanina.

"Pasensya po, hindi ko talaga alam na kayo po yung biological mother ni Miles." Paulit-ulit akong humingi ng pasensya. Hindi kasi ako sanay na hindi nagmamano sa mga mas nakakatanda sakin kaya pakiramdam ko napakawalang modo ko.

"It's okay hija, wala ka namang ginawang masama kaya wag kang humingi ng pasensya okay?" Pinisil niya ang pisngi ko.

"Mom, wag mo panggigilan ang best friend ko." Hinila naman ako palayo ni Miles. Sus. Baka nagseselos ka lang kasi tuwang-tuwa sakin ang Mommy mo. Hahahahaha.

"Jealous baby? You're my one and only don't worry." Hinagkan niya si Miles. Napangiti ako.

Halata namang mahal na mahal si ng tunay niyang ina. Bigla ko tuloy namiss si Mommy kahit kasama ko lang siya kaninang umaga.

"Let's go on a date, isama mo na rin ang best friend mo. What do you think?" Lumiwanag ang mukha ni Miles dahil sa narinig niya.

"Sure mom---" Biglang nag ring ang phone na hawak ng Mommy niya. Yung kaninang maliwanag na mukha ni Miles para nang dinaanan ng bagyo.

"Sorry honey, I can't make it today. I forgot I have a meeting, let's do it tomorrow okay?"

"Promise?" Parang bata si Miles, natawa ako. Pero ang sweet nilang dalawa.

"Yes honey, I promise." Hinalikan niya sa noo si Miles at nagpaalam na din sa akin.

"Love you ma!" Lumingon din naman agad ang mommy niya and mouthed I love you too.

"Business again," Nakabusangot na naupo si Miles.

"Well that's life, doon na kasi umiikot ang buhay ng tao." Pumunta ako sa likod niya at inikot ang kamay ko sa leeg niya. Namiss ko talaga 'tong best friend ko kaya naging clingy ako sa kanya this past few weeks na magkasama kami.

"Pero diba dapat magspend siya ng maraming time na kasama ako? Wala ako sa tabi niya for seventeen years tapos ngayong nahanap na niya ako hindi niya pa rin mabigay yung full attention niya sa akin." Kinurot ko ang pisngi nito.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon