KABANATA 6 - 14th Floor

4.2K 130 18
  • Dedicated kay Kris Lea June Calis
                                    

KABANATA 6

 

14th Floor

 

“We loved with a love that was more than love.”

 

---Annica Yuri Lee's Point of View---

 

“Mang Tado, dyan nalang po sa tabi.” Pinark niya yung kotse sa harapan ng main entrance ng company building ng mga Lin. Nakita ko ang makahulugang ngiti niya sa salamin sa harap ng kotse.

 

“Bibisitahin mo na naman si Sir? Parang kagabi lang kayo huling nagkita hija ah?” Ngumiti  ako, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Eh sa hindi ko matiis na hindi mahiwalay sa kanya? May magagawa ba ako doon? Hahaha!

“Napaka pilyo niyo po talaga. Kay Kiefer na po ako magpapahatid kaya mauna na po kayo. Ingat po!” Bumaba ako sa kotse at nagpaalam sa kanya. Pinagmasdan ko ang kotse habang palayo na ito sa akin. Si Mang Tado, kahit personal driver ko siya, itinuturing ko din siyang pangalawang ama ko. I smiled on that thought.

Humarap akong muli sa main entrance ng malaking gusali na nasa harapan ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at laki nito. Nanginginig pa yung tuhod ko habang naglalakad ako papasok. Pangalawang beses ko palang kasi na pupunta dito, pag nandito kasi ako pakiramdam ko lahat ng mata sa akin nakatingin. Tulad nalang ng nangyayari ngayon.

“Siya ba?”

 

“Oo, siya daw.”

 

“Hindi naman maganda.”

 

“Sssh! Baka marinig tayo.”

 

 

Mga eksaheradang 'to. Baka daw marinig ko? Eh rinig na rinig ko kaya! Pag umpugin ko kayong lahat dyan eh! Di hamak na mas makinis at mas maganda ako sa inyo! Pero aaminin ko, talo ako sa height niyo -__-

“Hi!” Masaya ko silang binati habang nakangiti ako ng malapad. Halatang nagulat sila sa akin kaya hindi maipaliwanang ang naging reaksyon nila. Umirap nalang ako at naglakad muli. Napasapo ako sa ulo ko. Lumalabas na naman yung maldita side ko.

Tumigil ako sa tapat ng elevator at naghintay. Tumingin ako sa wristwatch ko. 1 pm na pala. It means rush hour na yun dito kaya maraming gagamit ng elevator at for sure punuan yun.

*ting*

 

Bumukas yung elevator at lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Namula naman ako doon, hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Nginitian ko nalang silang lahat.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon