PROLOGUE

11.1K 185 13
                                    

TOTALLY A JUDAS

Written by: Annica Ly (Danica Mae Basilio)

Annica Ly's Stories

Ang Fiance Kong Hudas (BOOK 2)

None of this will be distributed without the Author’s consent. Please don't plagiarize this original story. PLAGIARIZING is a CRIME. Always remember that KARMA has no menu, you get served what you DESERVED.

 Pardon for the typos and wrong grammars. No proofreading, sorry.

PROLOGUE:

Maraming pangako ang mapapako.

Maraming puso ang magdurugo.

Maraming buhay ang masisira.

Maraming mata ang luluha.

Maraming tiwala ang mawawasak.

Maraming tao ang masasadlak.

May magtitiis at magsasawa.

May magbabalik at mawawala.

Madaling magmahal.

Ang mahirap lang ay kung paano mo mapapanatiling 'sayo' ang taong pinakamamahal mo. Iyon ang pinakamahirap na pagsubok ng pag ibig. Pero kahit gaano pa iyon kahirap, sasabak ka pa rin, magsasakripisyo ka, masasaktan ka.

Lalaban ka... kahit hindi mo alam kung paano manalo.

Sa laban daw ng pag-ibig ang dakilang magmahal ang siyang nagwawagi, pero hanggang kailan? Hanggang kailan kayang magtiis ng isang puso kung ang pag-ibig ay unti-unti nang naglalaho?

Gaano mo kakilala ang taong mahal mo? Nakita mo na ba ang loob at labas niyang anyo?

Sapat na ba ang ilang taon upang matuklasan mo ang lahat ng bagay tungkol sa kanya? Sapat na ba iyon para masiguro mong habang buhay ay kayo na?

Paano kung dahil sa isang di inaasahang pangyayari ay bigla nalang siyang magbago?

Iaalay mo pa rin ba ang sarili mo ng buo?

 

Mananatili ka pa rin ba sa piling niya?

 

Mamahalin mo pa rin ba siya ng totoo?

 

Kahit... sa ibang tao na tumitibok ang kanyang puso?

Ang akala ko lubusan ko na siyang kilala, yun pala hindi pa. Hudas siya, dahil lagi niya akong sinasaktan at napakasama ng ugali niya. Akala ko hanggang doon lang iyon, pero hindi ko akalaing mas higit pa siya sa inakala ko. He's not just a Judas, because he's now TOTALLY A JUDAS.

Akala mo "...and they live happily ever after." na, yun pala nag uumpisa palang ang storya.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon