KABANATA 9 - Pulang araw

2.5K 104 13
                                    




KABANATA 8

 

Pulang araw

 

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"Ayoko nga pumasok! Bakit ba ang kulit mo?" Bigla niyang ginulo ang bangs ko at piningot ang tenga ko. Lagi nalang siyang ganyan kapag tinatamad akong pumasok.

 

"Aray! Ano ba! Hudas ka talaga!" Babatukan ko sana siya pero nakaiwas siya agad. Nakakainis. Nag-iinarte lang naman ako ngayon kasi red days ko. Bakit ba ang hirap ipaliwanag yun sa mga lalaki? Ugh.

 

"Bakit kasi ayaw mong pumasok?" Nilapit niya sa akin ang mukha niya kaya napaatras ako. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakaiwas sa sapak ko.

"Aww!" Hinimas-himas niya yung pisngi niya.

 

"Salamat ha, napaka sweet mo talaga." Sarkastikong sabi niya sa akin, tinawanan ko lang siya. Tumingin siya sa wrist watch niya bago muling tumingin sa akin. Hays. Napakapasaway ko talaga, pati siya naaabala ko na.

 

"Mag-aral kang mabuti okay? Wag ka na maging pasaway, ayoko na magpunta sa guidance office niyo. Please lang, Annica." Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Hindi ko naman maiwasan ang maging pasaway, natural kasi yun sa mga estudyante.

 

"Oo na! Papasok na ako, lumayas ka na!" Pinagtulakan ko siya sa loob ng kotse niya at binalibag ang pinto nito. May nakalimutan akong sabihin kaya kinatok ko ang bintana ng kotse, agad naman niya itong binuksan.

"Hoy ikaw hudas ka," Lumapit ako sa mukha niya at sinamaan siya ng tingin.

 

"Wag mo lang susubukan mambabae dahil maghahalo talaga ang tubig at mantika kapag nahuli kita. Naiintindihan mo?" Ngumiti siya ng nakakaloko na labis kong pinagtaka. Napatigil ako sa sunod niyang ginawa.








Ninakawan niya ako ng halik.


"Mula noong naging tayo, kailan mo ba ako nakitang tumingin sa ibang babae?" Bago ko pa siya masapak ulit ay pinaandar niya agad yung kotse niya. Ugh! Muntik na kayang maipit yung paa ko! Napakasama talaga ng ugali ng lalaking 'to, hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko 'to. Tss. Nagtaka ako dahil bigla nalang tumigil ang sasakyan niya sa di kalayuan.

"Hoy pandak!" Nagtinginan lahat ng estudyante sa labas ng gate dahil sa pagsigaw niya.

 

"Ano na naman ba?!"





"Mahal kita." Mahina ngunit nabasa ko ang sinabi ng labi niya. Sobrang pula na ng mukha ko kaya tumalikod na ako sa kanya at tumakbo papunta sa loob ng school. Narinig ko pang naghiyawan yung mga chismosa't chismoso sa labas.

Tumigil ako saglit at hinawakan ang labi ko.

"Hudas ka talaga, nag-aalab na naman yung puso ko dahil sayo." bulong ko sa sarili.

Hindi pa ako kumakatok sa pintuan ng classroom ko ay bigla nalang bumukas ito. Naramdaman siguro ng professor ko na dumating na ang pinaka paborito niyang estudyante.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon