KABANATA 26

1.5K 61 15
                                    

KABANATA 26

Hindi umiiyak si Kiefer pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko siya magawang lapitan para yakapin. Ako ang sinisisi niyang pumatay sa kanyang ina, pati kay ate Lucy na nakaratay ngayon sa hospital. Mula nang gabing iyon hindi na rin nakapagsalita si Keana.

Tinago niya sa pulis ang nangyari. Tinago niya maging yung kutsilyo na pwedeng maging ebidensya laban sa akin. Pinasuri niya iyon sa imbestigador at nakita nila ang fingerprint ko kaya lalo akong nadiin sa asawa ko. Pero tinago niya pa rin ang lahat sa pamilya niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ako pa rin ang iniisip niya kahit para sa kanya ako ang pumatay sa sarili niyang ina.

"Lasing ka na naman?" Naglakad siya ng pasuray-suray at binagsak ang sarili sa kama.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig para mapunasan siya. Tinanggal ko ang suot niyang necktie. Tatanggalin ko na sana ang butones ng polo niya pero tinabig niya ang kamay ko.

"Wag mo akong hawakan." Pinigilan ko ang luha ko. Ilang beses na akong umiyak ngayong  buwan baka maubusan na ako ng tubig sa katawan.

Lumabas ako sa kwarto niya. Oo, sa kwarto niya. Magkahiwalay na ngayon ang kwarto namin. Hindi na niya ako tinatabihan sa pagtulog. Ayaw niyang madikit kahit dulo ng daliri ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Kinagat ko ang labi para mapigilan ang paglakas ng hikbi ko.

Hindi ako susuko. Alam kong darating ang araw na babalik sa dati ang lahat. Kailangan ko lang humawak ng mahigpit. Hindi ako bibitaw tulad ng pinangako ko sa kanya.

"Bakit maga na naman 'yang mata mo?" Hindi ko nalang pinansin si Geramaica. Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng gamot na kailangan ng pasyente ko.

"Ano na namang ginawa ng demonyo mong asawa?"

"Wala," Lumabas na ako sa silid ng mga gamot at naglakad na papunta sa kwarto ng pasyente ko pero sinundan niya pa rin ako.

"Wala? As in wag ka nalang magtanong nasasaktan kasi ako. Ganoon ba, Annica?" Ngumiti ako ng pilit.

"Maica, oras ng trabaho ngayon baka mapagalitan na naman tayo ng head nurse dahil nagchichismisan tayo." Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad.

"Tumingin ka na ba sa salamin?" Umiwas ako ng tingin.

"Ang laki na ng eyebags mo sobrang putla pa ng labi mo. Okay ka lang ba?" Nahihilo ako pero hindi ko sinabi sa kanya. Alam ko kasing mangungulit lang ulit siya.

"Okay lang ako. Wag ka na mag-alala sakin." Nginitian ko siya para mapanatag ko ang loob niya.

"Sige, magkita nalang tayo mamayang lunch." Tumango nalang ako at ngumiti. Paalis na sana ako nang may biglang dumating na hindi ko inaasahang bisita.

"How's my princess?" Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Yayakapin ko ba siya o mananatili lang akong nakatayo dito?

"Angelo," Ngumiti siya sa akin. Isang kaibigan ko na naman ang muling bumalik sa piling ko.

"Flowers?" Ngumiti ako at kinuha ang bouquet ng bulaklak na hawak niya.

Napatitig ako sa mukha niya. Sobrang lakas ng hangin dito sa terrace ng bahay niya kaya kitang-kita ko ang buong mukha niya. Lagi kasing natatakpan ang mata niya dahil sa bangs.

"Kailan ka pa bumalik?" Inabot niya yung tinimpla niyang gatas para sa akin.

"Last week," Ngumiti ulit siya.

Kung wala siguro akong asawa mahuhulog agad ang loob ko sa kanya. Ang lakas kasi ng dating ng ngiti niya. Sobrang liwanag pa ng mukha niya, parang walang problemang dinadala.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon