KABANATA 5 - Our Date With God

4.6K 126 8
  • Dedicated kay Lorie Joy Armilla
                                    

NOTE NI ANNICA LY:

Hi! Maraming blessings na dumating ngayon :) I feel so blessed! Kaya napaaga ang update ko. Sana magustuhan niyo. And I wanna hear your comments guys. VOICE OUT! I need some inspirations. 

KABANATA 5

 

Our Date With GOD

 

“When you let God be God you can let humans be humans. When we place God in His rightful place in our lives, we don't struggle so much when human relationships let us down.” 

 

---Annica Yuri Lee's Point of View---

 

 

"Ang korny mo, hindi bagay sayo." Ngumuso ako dahil sa sinabi niyang iyon. Inirapan ko siya at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin. Dumistansya ako sa kanya. Nakakainis! Lagi siyang panira ng moment namin.

 

 

"Tch! Sige, korny na kung korny. Basta sinabi ko lang kung ano yung nararamdaman ko. Ang hirap kasi sayo hindi ka marunong magsabi ng nararamdaman mo." Hindi ako nakatingin sa kanya nang binitawan ko ang mga salitang iyon. Alam kong napatigil siya dahil sa sinabi ko.

"Gusto mo ba talagang sabihin ko sayo ang nararamdaman ko ngayon?" Kinilabutan ako sa boses niya, napaka seryoso nito. Hindi ako umimik.

Nagulat nalang ako nang bigla niya ako buhatin sa paraang parang bagong kasal. Nagpanic ang katawan ko kaya pumulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg sa pangambang baka mahulog ako. Hinuli niya ang mga mata ko. Para akong na-hypnotize sa mga titig niya.

 

"Hindi kita minahal dahil maganda ka, kasi hindi ka naman talaga maganda." Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman babanat siya ng kung ano tapos aasarin niya lang pala ako. Sinabunutan ko ang buhok niya dahil sa sobrang inis ko.

"Huy pandak! Tama na, masakit eh! Joke lang naman yun!" Hindi niya ako mapigilan sa pagsabunot sa kanya dahil buhat buhat niya ako. Isang maling galaw niya lang ay mahuhulog ako.

"HAHAHAHAHA! PRICELESS YUNG MUKHA MO! PFFFFFT!" Natawa ako sa itsura niya dahil nakanguso siya na parang bata. Tumigil ako sa pagsabunot sa kanya at natawa nalang sa itsura niya.

 

"Hindi kita minahal dahil sa pisikal mong anyo. Minahal kita kasi kahit ang tanga tanga mo at napaka slow ng utak mo nagawa mong tibagin ang batong nakapalibot sa puso ko." Nahinto ako sa pagtawa. Natulala ako sa kanya.

 

 

"Nagawa mo akong paibigin nang hindi ko namamalayan. Nakapasok ka na pala sa puso ko hindi mo man lang ako sinabihan. Kaya ayan tuloy nasaktan kita dati diba? Pasensya kana ha? Mahirap kasi para sakin alamin kung ano talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ngayon? Hindi ko na kailangan alamin pa kung ano ang nararamdaman ko kasi kapag nakikita palang kita nagiging abnormal na ang puso ko." Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. *Dugdugdugdug* Narinig ko ang pagiging abnormal ng tibok ng puso niya. Napangiti ako. Alam ko na naman lahat ng mga sinabi niya pero bakit parang sobrang saya parin ng nararamdaman ko? Wala na akong mapaglalagyan ng kasiyahan.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon