Prologue

17.7K 236 21
                                    
"Wala ka bang magawa kaya ako ang pinipeste mo ngayon?" naiinis na tanong ni Summer sa dalagang kanina pa bumubuntot sa kanya.

"Hm, gusto lang kitang maka'bonding. Pakiramdam ko kasi hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita at nakakasama." The lady answered na mukhang nagpa'init sa kanyang magkabilang pisngi at tainga.

Masama nya itong binalingan ng tingin na ngiting-ngiti lang ngayon sa kanya.

"Huwag mo akong pinaglalaruan, Cassidy Miller!" hindi mapigilang mapasigaw ng dalaga.

Hindi nya kasi maintindihan kung bakit sa lahat ng studyante na pwede nitong bwesitin araw-araw, sya pa ang napili ng isang Cassidy Miller.

Maraming humahanga at nagkakagustong lalaki rito. Sikat ito sa kanilang paaralan, hindi lang dahil sa ito ang nag-iisang bestfriend ni Veronica Payton na anak ng may-ari ng paaralang pinasukan nila, kundi dahil sa sya si Cassidy Miller.

A sexy and gorgeous lady na pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan katulad ng kaibigan nitong si Payton. Nanggaling din ito sa isang tanyag na pamilya na nagmamay-ari ng mga sikat na resort and malls sa buong Pilipinas.

Pagmamay'ari din ng kanilang pamilya ang isang sikat na mamahaling brand ng sapatos at bag sa buong mundo.

Cassidy is the epitome of beautiful lady. May inosente itong mukha ngunit may kapilyahan ding taglay. Hindi na iyon kataka-taka para kay Summer Morris Lambert dahil kalat ang pagiging play girl nito sa loob ng kanilang campus.

Madalas din naman nya itong makita noon na may kasamang lalaki. Halos sa isang buwan nakakailang palit ito ng nobyo. Saksi sya doon dahil sa apat na taon na nyang pag-aaral sa Payton University.

Binalewala nya iyon dahil wala naman syang paki'alam rito. Hindi sila close at ayaw din naman nyang mapalapit sa dalaga. Ngunit lahat iyon nagbago ng biglang may pangyayaring hindi nya inaasahan.

Simula noon hindi na sya nito nilulubayan. Umamin pa itong gusto sya nito na kailan man hindi nya paniniwalaan. Wala syang balak maniwala rito. Ayaw nyang masama sa mahabang listahan ng mga lalaking nauto at pinaiyak nito.

"Hindi kita pinaglalaruan, love." mahinahong sagot ng dalaga habang nagsusumamong nakatingin sa kanya.

Agad syang nag'iwas ng tingin rito dahil biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Lately, madalas na nyang maramdaman iyon na pilit nyang iwinawaksi sa kanyang isipan.

"Hindi mo ako maloloko, Miller. Kaya paki'usap, tumigil kana." Summer coldly said bago nito iniwan ang dalaga.

Ayaw nyang pansinin ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib. Ayaw nyang umiyak at masaktan sa huli.

_______

Disclaimer :

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Portrayers are only borrowed for story purposes. All pictures used in this story are credited to their rightful owners.

Alyda Grace as Summer Morris Lambert

Alyda Grace as Summer Morris Lambert

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lika Solt as Cassidy Miller

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon