Cassidy
Nakahalukipkip akong nakaupo sa ibabaw ng kama ko habang naghihintay sa pagdating ni Summer. Sobra na ang minutong palugit ko sa kanya, and now I wonder kung ano ang pinag-usapan nila ng ama ko. Masyado ata iyong seryoso dahil natagalan sya. I just hope na sana hindi na sya pagsalitaan ng kung ano-ano ng ama kong iyon. She doesn't deserve that. Never.
"Love?"
Nabaling ang atensyon ko sa nakasaradong pintuan nitong kwarto ko ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako sumagot ngunit pansin ko ang pagpihit ng seradura ng pinto. Ang nakangiting mukha ni Summer ang bumungad sa akin pagkapasok nya sa loob.
"Ba't ang tagal mo?" mas lalo kong pinaseryoso ang aking facial expression kahit na ang totoo ay kanina pa ako nag-aalala sa kanya at sa takbo ng usapan nila ng tatay ko.
Nagkakamot ito sa batok matapos ma-isarado ang pintuan, "Hindi kaya. Limang minuto lang naman ang ——"
"And so?" putol ko sa rason nya.
Mas lalo itong napakamot sa kanyang batok at pahapyaw na ngumiti sa akin habang dahan-dahang lumalapit sa pwesto ko. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga mata nitong titig na titig sa akin.
She immediately kiss the top of my head ng tuluyan ng nakalapit sa akin. Umupo muna ito sa tabi ko bago masuyong kinuha ang dalawang palad ko at malambing nya iyong pinisil-pisil.
"Huwag kanang mainis dyan, misis ko. May importante lang kaming pinag-usapan ng tatay natin." saad nito ngunit ang tawag nya sa akin at kay dad ang syang mas nakakuha ng atensyon ko.
"What did you just call me?"
Gosh! Kumalma ka puso.
"Uh....misis ko?" Medyo namumula ang tenga nito ng sabihin 'yon.
"Hmm. You skip the girlfriend era, huh?" panunukso ko kaya mas lalo itong namula.
"Why go there kung pwede namang fiancee na agad? Doon din naman ang punta natin eh." Ang lakas talaga ng loob ng isang 'to pero hindi man lang kayang gawan ng label ang kung ano ang mayroon sa amin ngayon. Grabe!
Ngumisi ako sa kanya, "Maybe you should make a proposal first, my love. I think I deserve that. What do you think? Hmm?"
"Of course, mahal! You literally and figuratively deserve those things. I'll do it soon. I'm just too happy right now kaya gusto kong tawagin ka sa gano'n." my heart warmed knowing that she's also willing to spend her forever with me. "Especially now na boto na sa relasyon nating dalawa ang dad mo." huling saad nito na syang ikinagulat ko.
"Really? Hindi mo ako ini-echos?" Natawa ito dahil sa tanong ko.
"Opo, mahal ko. Hindi po kita ini-echos. Sya na mismo kaya ang nagsabi na tawagin ko na syang papa or dad simula ngayon."
Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil doon. Kung ano man ang nagpabago sa isipan ni Dad then maybe I should be grateful somehow. At least ngayon hindi na sya manggugulo sa relasyon naming dalawa ni Summer.
"Cassidy" nabaling ulit dito sa kaharap ko ang atensyon ko dahil sa biglang pagseryoso ng boses nito.
Napakunot-noo tuloy ako ng may maalala. Akala nya siguro nakalimutan ko na ang sinabi ko sa kanyan kanina.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024