Chapter 20

5.2K 193 16
                                    


Summer

"You looked nervous." komento nitong kasama ko ngunit hindi ko sya pinansin. Manunukso pa eh. "You're ignoring me, love."

Pansin ko sa peripheral vision ko ang pag-nguso nito. She even kissed my shoulder before putting her chin above it.

"I'm driving, Cassidy." paalala ko sa kanya. Ang likot kasi ng isang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng hita ko.

She keeps on stroking my lap and creating small circles using her delicate finger. Trouser pants naman ang suot ko pero nanunuot pa rin ang init ng palad nya sa balat ko.

"I know po. Nagbe-behave naman ako eh." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "Anyway, ang gandang-pogi mo d'yan sa suot mo."

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa compliment nito. I just wore a black short-sleeve polo top that was tucked into khaki trouser pants na pinaresan ko ng white shoes. Wala namang espesyal sa suot ko pero kung makapagsalita sya parang ako lang ang pinaka-magandang nilalang sa paningin nya. Nonetheless, I appreciate her compliments. It makes my heart flutter, though.

"Sinasabi mo lang ‘yan kasi ako ang future mo." kunwa'y pagtataray ko sa kanya dahilan para kumunot ang noo nito.

"I am telling the truth, love. Alam mo ba kung gaano karaming babae ang gusto kong awayin sa loob at labas ng school? Kung makatitig sayo para kang isang masarap na pagkain sa paningin nila. Like, seriously?!" I bit my lips dahil sa pagra-rant nito.

Mukha itong may kaaway dahil sa klase ng titig nito na parang galit na galit. She even rolled her eyes and crossed her arms above her chest. And, damn! She really looks so hot right now.

Natatawa kong kinuha ang kaliwang kamay nito at pinatakan iyon ng magaang halik dahilan para kumalma ito.

"Huwag kanang sumimangot, mahal ko. I believe you. Always. Hm?" And now it's her turn to blush.

Tumikhim ako, "We're already here." Imporma ko sa kanya dahil mukang natulala na ito sa akin. She's cute, adorable, and gorgeous at the same time. I hope she knew about it.

"Are you really sure you want to come inside?"

Napangiti ako ng makita ang nag-aalalang mukha nito. She's really concerned about me. Akala nya siguro ayaw ko ng makausap at makita ang tatay nya after ng pag-uusap na nangyari sa pagitan namin weeks ago. Well, kapag mahal mo ang isang tao dapat handa kang tanggapin ang mga salitang ibabato sayo ng mga taong malalapit sa kanya.

"Of course. Sya na mismo ang nagsabi na ihatid kita pauwi rito, right? It's kind of rude naman siguro kapag umalis ako agad-agad na hindi man lang pumasok sa loob ng bahay nyo knowing na inihatid kita rito. Minus points na din iyon, mahal. Sige ka, baka tumutol sya sa relasyon natin." I tease her ngunit ngumiti lang ito bago ako hinalikan sa pisngi.

"I get it now, love. Basta kapag pakiramdam mo na hindi kana komportable sa mga sasabihin ng tatay ko just tell it to me na lang. Okay? Willing akong umalis ulit ng bahay na kasama ka. I don't want you to be treated harshly by him. You don't deserve that. Hm?"

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon