Chapter 5

5.1K 209 12
                                    

Summer

"Sino 'yan, bata?" Kuya Lemuel asked habang nakatingin kay Cassidy na tahimik lang na naka'upo malapit sa cashier area.

She looked innocent habang nagmamasid sa paligid, lalo na kanina ng malaman nitong pagmamay'ari namin ang restaurant na ito. Her reaction is so priceless! Para syang isang bata na ngayon lang nakapasok sa ganitong lugar. Kung hindi ko lang kilala ang babaeng 'to baka isipin kong isa syang ulirang estudyante, though matalino naman talaga sya kahit na sobra ang pagiging pilya nito.

"Uh, kaklase ko po kuya." maikli kong sagot sa kanya at panaka-nakang tumitingin kay Cassidy since nakikita ko sya mula sa cctv screen monitor na mayroon dito sa kitchen.

Kanina pa tanong ng tanong si kuya Lemuel pagkapasok ko pa lang dito sa kusina. Hindi ko naman sya magawang sagutin dahil busy ako sa pagluluto ng pagkain ng bruhang iyon. Pa'importante masyado eh.! Buti na lang gutom din ako. Dahil kung hindi? Nungka kung magluluto ako para sa kanya.

"Akala ko girlfriend mo eh." walang prenong sambit nito. Nadaplisan tuloy ng kutsilyo ang hintuturo ko dahil sa sinabi nya.

"Shit!"

Nagmamadali kong pinadaluyan ng tubig ang daliri kong dumudugo na ngayon. At imbis na tulungan ako ng kasama ko rito, may gana pa talaga syang tawanan ako.

"Relax, nagtatanong lang naman ako. Masyado kang kabado dyan." Naiiling pa ito habang kumukuha ng betadine at band aid sa medicine kit na mayroon dito sa kusina.

"Tigil-tigilan mo nga ako, kuya Lemuel. Kalalaki mong tao masyado kang ma'issue." Padabog kong kinuha ang gamot sa kamay nya at nilagyan ang daliri ko.

"Masyado mo lang kamo bini'big deal ang bagay na iyon. Siguro may gusto ka sa bebot na iyon, 'no?"

Inirapan ko lang ito bago ako lumabas ng kusina dala ang mga pagkain na ginawa ko. Pansin ko pa ang pagtitig sa akin ni Cassidy ng ilapag ko ang mga iyon sa mesa.

"Ba't ang dami naman ata?" kunot-noong tanong nito ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkinang ng mga mata nya ng makita ang mga nakahandang pagkain.

Steak with creamy peppercorn sauce kasi ang niluto ko na pinaresan ko ng Greek Orzo with lemon and herbs. Gumawa rin ako ng Chicken Caesar pasta salad since mukha naman syang health conscious na tao.

"Sinabi ko bang ikaw ang uubos nito lahat?"

"Um, what do you mean?"

"Kakain din po ako, Miss Miller. Hindi ako nagpakahirap magluto para lang sayo. Huwag kang assuming." Pagtataray ko na hindi nya pinansin.

"I—ikaw ang nagluto nito lahat?"

"Hindi ba halata? Alangan namang utusan ko ang iba naming staff na halata namang busy masyado sa trabaho nila."

"Hi—hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin." nag-iwas ito ng tingin sa akin na syang ikina'iling ko na lamang.

"Kumain na tayo. May importante pa akong gagawin."

"Ihahatid mo ako sa bahay namin?"

"Luh? Swerte ka! Magpahatid ka sa family driver nyo. May balak ka pa atang gawin akong alila eh."

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon