Cassidy"May nangyari ba sa pagitan nyo ng pinsan mong nagngangalang Harley?" Agad kong nalingon si Summer dahil sa tanong nyang iyon.
How did she know my cousin's name? At bakit sa dami ng pinsan ko ang babaeng 'yon pa ang kilala nya?
"What do you mean? And how did you know her?"
"Winter told me about her. And 'di ba sya iyong babaeng tumulak sayo sa labas ng restaurant namin?"
"Um, yes. Ba't nga pala alam ng pinsan mo ang tungkol kay Harley?" I asked curiously. Ang weird din talaga ng pinsan nyang iyon.
"Um...she did an investigation about doon sa nangyari sa akin sa birthday party ni Quinn." bumuntong hininga muna ito bago inilagay sa lagayan ang plushy na hawak nya.
Nandito pa kami sa loob ng mall. Tapos na kaming mamili sa ireregalo namin kay dad kaya naglilibot na muna kami. Wala na din naman akong bibilhin dahil halos lahat ng damit na nandito ay hindi ko bet.
"At anong kinalaman ng pinsan ko?" kunot-noong tanong ko sa kanya dahil mukhang may iba pa itong gustong sabihin.
"Sya ang nag-utos kina Lawrence at Mandy na gawin ang bagay na iyon." pumintig ata ang ugat sa aking ulo ng marinig iyon.
How dare she?! Kahit sa ibang university ito nag-aaral nagagawa pa rin talaga nito na maghasik ng lagim.
"At bakit pumayag ang dalawang iyon? Are they going nuts?! Wala ba silang mga sariling utak? Gosh!"
Summer holds my trembling hands dahil sa namumuong galit sa dibdib ko. "Mandy is her best friend, and Lawrence likes you a lot. Ngayon alam mo na why they agreed immediately to your cousin's plan. She wanted to hurt you emotionally by using me." Pilit itong ngumiti kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit sa bruha kong pinsan.
Nakaka-frustrate ang kagagahan ng mga iyon, ah. At hindi ko man lang namalayan na may best friend pala ang bruha kong pinsan na nag-aaral sa Payton University. No wonder kung bakit naging mag-bestfriend sila no'ng Mandy na iyon. Pareho sila ng ugali.
Hindi ko sya pinapatulan noon sa pagmamaldita nya towards me, but this is too much na already. Hindi ko ito palalampasin.
"I'm sorry. It's all my fault. Nadadamay ka tuloy sa init ng ulo nya para sa akin." I apologize at her ngunit ngumiti lang ito.
"It's not your fault. It's her decisions in life. Choice nyang gawin ang bagay na iyon. Okay?" she pulled me closer to her before she hugged me tightly.
Pansin ko pa ang nakaw na tingin ng saleslady sa amin dahil sa kanyang ginawa. Imbis na mahiya ay tinugunan ko rin sya ng mahigpit na yakap.
"She's always been like that to me simula ng tumuntong kami ng college." Pag open up ko habang nakayakap pa rin sa kanya. "I tried to befriend her. I tried to understand her kahit na hindi ko alam kung bakit parang galit na galit sya sa akin gayong wala naman akong maalala na may ginawa akong masama sa kanya. One day I asked her why she's acting like that towards me." Napabuntong hininga ako ng maalala ang araw na iyon. I thought maganda ang kalalabasan but I was wrong.
"And?"
"And hindi nya ako pinansin. Hindi nya ako kinausap. Nalaman ko na lamang mula sa isa naming pinsan na kaya pala nagalit ito sa akin dahil 'yong lalaking gusto nya ay may gusto sa akin. She also felt envious of me because she thinks that I'm Lola's favorite granddaughter. Na lahat na lamang daw ng atensyon ng mga taong mahalaga sa kanya ay kinukuha ko." napailing na lamang ako. Hindi nga kami close ng lola ko sa father side eh.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024