Cassidy"What the?!" Tili ko ng makita ang nagkalat na pulang likido mula sa sahig ng living room namin papunta sa hagdan at pataas ng second floor ng bahay.
Nanginginig ang aking kamay habang nagmamadaling tinahak ang kwarto namin ng asawa ko.
"Oh my gosh! Summer!" nahihintakutan kong sigaw ng makita itong nakahiga sa sahig habang ang damit nito ay halos naging kulay pula na lahat.
"Ma——mahal. Gumising ka, please." Naiiyak kong sambit ng makalapit rito.
Akma ko na sanang yuyugyugin ang balikat nito ng biglang may kung anong gumalaw sa ilalim ng kama naming mag-asawa. Wait.. Nasaan ang mga anak ko?!
"What are you doing, Mom?"
"Ahhhh!" napatili ako ng biglang may maliit na boses ang syang nagsalita sa likuran ko. "My gosh! You startled me, Hades Vaughn Miller Lambert." anas ko dito sa anak kong lalaki na nakasuot ng costume nyang pang police.
"You are the one who startled us with your high-pitched voice, Mom." Naningkit ang mga mata kong bumaling sa anak kong babae na kalalabas lang galing sa ilalim ng kama. Nakasuot ito ng lab gown na medyo malaki sa kanya ng kaunti.
So sya pala ang gumagalaw kanina?
"Come again, Hestia Van Miller Lambert?" nakahalukipkip kong saad. Hindi ko na pinansin ang asawa kong prenteng nakahiga sa sahig.
Ugh! They tricked me again.
"We are just playing here, but your voice startled us all. I am almost done with my investigation." ngumuso ito bago pasalampak na umupo sa tabi ng nanay nyang kanina pa nagpipigil ng ngiti.
"Is that how you talk to your mother, Hestia? Is it my fault now that I'm getting worried because of this... this play of you all." naniningkit ang matang saad ko.
Mas lalo itong ngumuso. Tumayo ulit ito at malambing na yumakap sa mga binti ko.
"I'm sorry, Mom. Don't be mad na po." naiiyak itong tumingala sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka ako yumuko upang bigyan ito ng halik sa magkabila nyang pisngi.
"I am not mad, baby. Okay? Change your clothes na. We'll bake your favorite yema cake." Biglang lumiwanag ang mukha nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"You too, my prince. Magbihis kana baka mangati ang balat mo dahil dyan sa suot mo." Malambing kong baling dito kay Hades na kanina pa tahimik.
Sa kanilang magkambal ito talaga ang pinakatahimik. Mas lamang nga lang ng kasungitan si Hestia pero hindi naman iyon madaldal lalo na kapag hindi nya close ang isang tao.
And yep, kambal ang anak namin ni Summer. Mahirap magbuntis at masakit manganak ngunit worth it naman ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ko. Tsaka hindi naman ako pinapabayaan ng asawa ko at ng kanyang pamilya, lalong-lalo na si mommy Clara.
Ikinasal din kami ni Summer five years ago. Hindi ko na hinintay na manganak ako bago magpakasal. I insist Summer na we'll get married na bago pa man umabot ng three months ang pregnancy ko. Hindi naman ito tumutol. Sa katunayan nga agad nitong inasikaso ang preparation ng kasal namin kinabukasan pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.
She's always ready talaga.
"I wanted to eat chocolate po." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nagmana ito sa kanyang mama. Pareho silang mahihilig sa chocolate.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024