Chapter 12

6K 244 31
                                    


Cassidy

"Shit! Ang sakit ng ulo ko." palatak ko ng akma na sana akong babangon sa kama.

Marahan kong hinihilot ang aking sintido at unti-unting sumandal sa headboard ng aking kama. My forehead crease ng mapansing nakapantulog na damit ako and the worst part is hindi pamilyar sa akin ang damit na ito!

Damn! Nakidnap ba ako kagabi? But that's so impossible! Kasama ko si Vero--wait.

Agad kong inilibot ang aking mga mata sa silid na ito at mas lalo lang atang kumirot ang ulo ko ng mapansing hindi ito ang room ni Veronica. I knew my bestfriend so much! Nakakailang balik na din ako sa kwarto nya since we became friends way back in high school. And the last time I remembered, kulay pink ang halos buong kwarto nito. Not like this na parang ang gloomy ng atmosphere. I can't figure out kung babae ba o lalaki ang nagmamay'ari ng kwartong ito dahil walang masyadong gamit dito sa loob.

Shit! Shit! Shit!

Mukhang nakidnap nga ako! Damn it!

"Oh gosh! Hindi kaya isa sa mga stalker ko ang gumawa nito?" Hindi ko mapigilang sambitin.

Dali-dali akong bumangon sa kama dahil sa kaisipang iyon. I almost stumble on my feet pa ng biglang may kumatok sa pintuan ng ilang beses bago iyon bumukas. Napigil ko ata ang paghinga ko dahil sa mga negatibong ideya na tumatakbo sa utak ko.

"Mabuti naman at gising kana, Ma'am. Pinapatawag kana po ng amo kong babae. Kakain na raw po kayo." Tumaas ang kilay ko dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Mukhang magka'edad lang kami nito and I bet kasambahay sya rito.

"Who are you?" At may pagkakataon pa talaga akong magtaray sa kanya.

"Ako po si Jennifer Lopez." Mas lalo lang atang tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Jennifer Lopez? Yung international singer?"

Kumunot ang noo ng babae habang nakatingin sa akin na para bang nasisiraan na ako ng bait. Aba! Kasalanan ko bang same name and same apelyido pa talaga silang dalawa.

"Po? Hindi ko 'yan kilala, Ma'am!" Umiling-iling pa ito. Wagas naman makatanggi si anteh.

"Never mind. Anyway, ang amo mo bang babae ang syang kumid---I mean, sya ba ang nagdala sa akin dito?"

"Opo"

Shit! Don't tell me may gusto sa akin ang amo nyang iyon? No f*cking way!

Kay Summer lang ako babaliko at magpapa'alipin! Sa kanya lang ako luluhod at uungol. Sya lang ang nag-iisang babae na hahayaan kong umangkin sa akin at wala ng iba! Sya lang ang....

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Pagputol ng kasama ko sa mga naiisip kong kahalayan.

"Huh? Of--of course I'm okay! Tsaka sabihin mo dyan sa amo mong baliw na hindi ako lalabas ng kwartong ito at lalo ng hindi ako kakain na kasama sya! Iuwi na nya kamo ako sa bahay namin. Ang kapal ng mukha nyang kidnapin ako!" Pansin kong nagulat ang babae dahil sa mga pinagsasabi ko.

Aba dapat lang! Ang kapal naman ng apog ng amo nya para....

"Sige po. Sasabihan ko si Ma'am Summer na ayaw nyo pong lumabas."

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon