Chapter 17

4.4K 185 10
                                    


Summer

"What are you doing here?"

Hindi maiwasang magsalubong ang aking kilay ng makita ang taong nakasandal sa pintuan ng kotse ko. Halatang hinintay ako ng taong ito. Kakalabas ko lang kasi sa company building nila Winter dahil dinalhan ko sya ng pagkain. Minsan kasi nakakalimutan 'non kumain ng breakfast dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Pati lunch late na din kung kumain ang isang 'yon.

"Can I talk to you for a second?" saad nito habang mariing nakatitig sa akin.

It been two weeks since 'nong una ko itong makita. Noong pinuntahan nila ako sa mismong restaurant namin at kasama nya ang tatay ni Cassidy.

"Paano mo nalaman na nandito ako, Mr. Desmond Hart?" tanong ko pabalik sa bodyguard ng ama ni Cassidy imbis na sagutin ang tanong nya.

Natawa ito dahil sa tono ng boses ko. "I have my ways, kid."

'Edi wow!

"Please follow me."

Nilampasan ko ito at pumunta sa malapit na coffee shop dito. Kakilala ko ang may-ari nito at komportableng tumambay sa loob dahil sa ambiance ng paligid. Hindi din masakit sa mata ang ilaw nila pati ang ilang painting na nakasabit sa wall.

"Good morning, ma'am Summer!" masiglang bati sa akin ni Abigail ng makalapit ako sa counter. "Same order pa rin po ba, ma'am?"

They already know me since madalas akong naglalagi dito kapag bumibisita ako sa kompanya ni Winter. 'Tsaka alam din nilang kaibigan ko ang amo nilang si Farah. Medyo kilala ko na din ang ibang staff dito lalo na itong si Abigail. Masyadong hyper.

"Morning, Abi. And yes, I'll go with my usual order and the same dessert. Dagdagan mo na din ng plain black coffee at cinnamon rolls para doon sa kasama ko." ngumiti ako dito at nagpasalamat muna bago pumunta sa lalaking prenteng nakaupo sa pandalawahang mesa at medyo malayo sa ibang customers.

"I ordered you some black coffee. I hope you're okay with it." untag ko bago umupo sa kaharap nyang upuan.

"I love black coffee, kid. Don't worry." tinanguan ko lang ito. "So, how are you and Miss Cassidy?"

"We're good. Iyan lang ba ang rason kung bakit gusto mo akong kausapin?" salubong ang kilay ko ngunit ngumiti lang ito.

"Yes. I just wanted to know if she's really in good hands and well treated by you." umigting ang aking panga at masama syang tinitigan dahil sa kanyang sinabi.

Hindi ko gusto ang mga binitiwan nitong salita. Parang ipinapamukha nya sa akin na hindi ko kayang alagaan at tratuhin ng tama ang babaeng mahal ko.

"Here's your order, ma'am." nabaling ang tingin ko sa lalaking naglapag ng mga order ko sa mesa.

"Thank you, Ren."

Maliit akong ngumiti dito dahil ayaw ko namang maging bastos kahit pa nasira ng taong kaharap ko ang mood ko.

"You're welcome, ma'am. Enjoy your coffee po." masiglang saad nito bago magalang na umalis sa pwesto namin.

Agad kong binalingan ng seryosong tingin ang kaharap ko na ngumisi lang sa akin ngayon.

"If you think na hindi ko kayang alagaan si Cassidy, then think twice. Hindi ako katulad ng ama nyang walang bayag at paninindigan."

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon