Chapter 31

5.1K 149 11
                                    


Summer

"Aray ko naman, mahal! Ang sakit no'n ah." reklamo ko ng pisilin ni Cassidy ang magkabila kong pisngi.

Katatapos lang ng graduation namin noong isang linggo at balak ko sanang dalhin sa Palawan itong kasama ko para doon mag-celebrate ngunit hindi natuloy. Pansin ko kasi ang madalas na pagkahilo nito lately. Tinanong ko naman ang family doctor namin tungkol doon pero sabi nya ay normal lang daw iyon sa mga babaeng nagdadalang-tao.

"Sinisigawan mo ako?" may namuo agad na luha sa mga mata nito na syang ikinabahala ko.

Isa pa 'to sa naging problema ko. Simula ng malaman kong buntis ito ay naging paiba-iba na ang mood nito. Minsan nga hindi ko na maintindihan lalo na ngayong isang buwan na syang buntis. Mukang magkasunod lang ata sila ni Ma'am Olivia, ang propesorang mapapangasawa ng pinsan kong si Raine.

"Of course not, my love. Hindi ko iyon kayang gawin sayo. Hm?" pang-aalo ko rito ngunit naging matalim na ang tinging ipinupukol nya sa akin.

Palihim akong napangiwi dahil doon dahil sigurado akong may sasabihin na naman itong hindi maganda.

"Get out!" sabi ko na nga ba eh.

"Pero mahal, anong oras na oh. Hindi ka ba naaawa sa future hubby mo?" Umakto akong nasasaktan ngunit mukhang wala itong paki-alam.

"Lalabas ka ng bahay o kami ang lalabas ng anak mo?"

Hindi ko na hinayaan na ulitin pa nito ang nauna nyang sinabi dahil mabilis pa sa kidlat akong lumabas ng kwarto namin. I'm pretty sure na hindi sya magdadalawang isip na gawin ang bagay na iyon kapag hindi ko sinunod ang sinabi nya.

Ayoko din naman na sya ang lumabas dahil alas dyes na ng gabi. Malamig sa labas at baka sipunin pa sya. 'Tsaka nakakahiya din kay Tito-papa. Baka isipin no'n na inaaway ko ang anak nya.

"Pinapalayas kana naman ba ni Cassidy, anak?" untag ni mom na naabutan ko sa kusina at umiinom ng tubig.

"For the second time, yes."

Simula noong malaman nila na buntis si Cassidy ay dito na kami naglalagi sa bahay ng parents ko dahil na rin sa request ng aking ina.

Gusto daw kasi nitong gabayan at alalayan sa journey ng pagbubuntis ang soon to be daughter in law nya. Napag-usapan din namin ni Cassidy na saka na kami ikakasal pagkatapos nyang manganak sa panganay namin. Sya ang nagdesisyon no'n habang sumang-ayon lang ako. Sabi ko naman kasi sa kanya noong nag propose ako na hindi ko sya mamadaliin na itali sa akin. I will keep that promise.

Iyon nga lang, hindi namin inaasahan na mabubuntis sya agad. Gano'n pa man masaya kaming pareho na may nabuong anghel sa kanyang sinapupunan. It's a blessing at hindi dapat panghinayangan lalo na't pareho naman naming ginusto ang nangyari. But anyway, who knows? Malay natin magbago bigla ang isip ni Cassidy at madaliin na akong pakasalan sya. I wouldn't mind it dahil sya lang naman ang hinihintay ko. Ang desisyon nya sa bagay na iyan ang masusunod.

"Hayaan mo na lang, 'nak. Buntis eh. Habaan mo pa lalo iyang pasensya mo. Okay?" paalala nito na ikinabuntong hininga ko na lamang.

Natatawa itong yumakap sa akin bago naglakad pabalik sa kwarto nilang dalawa ni Dad.

I dialled Winter's number ng mawala sa paningin ko ang aking ina. Nakaka-tatlong ring pa lang ng sagutin nya ang tawag ko.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon