Chapter 3

5.1K 220 4
                                    


Summer

"Kanino 'to?" taka kong tanong sa isa kong kaklase slash kaibigan ng makita ang isang maliit na brown teddy bear na nasa ibabaw ng armrest ng upuan ko.

Nagkibit-balikat lang si Xenon indikasyon na hindi nya alam kung sino ang naglagay niyon. Mariin kong tinitigan ang stuff toy at napapabuntong-hininga na lamang itong inilagay sa loob ng bag ko.

Sayang naman kasi kung itatapon ko ito. Isasali ko na lamang ito sa mga laruan na ibinibigay ko sa mga bata na nasa Home of Hope. Isa iyong bahay-ampunan na sinusuportahan ko. Pumupunta ako doon tuwing sabado at nagdadala ng mga gamit at pagkain na kailangan ng mga bata at ng mga madre at ibang staff.

Kaya kung sino man ang nagbigay nito, salamat na lang sa kanya. May idadagdag na naman ako sa mga laruan para sa mga bata.

"Baka sa secret admirer mo 'yan." Nanunuksong sambit ni Porche—ang pilyang kakambal ni Xenon.

"Oh? Baka naman sayo 'to galing. You're one of my secret admirer, don't you?" ngumisi ako rito ngunit umirap lang ang gaga.

I already know na crush ako ng isang 'to. Xenon told me about that anyway. Marites din minsan ang lalaking 'to eh.

"Asa ka, Lambert!" Denial pa nga.

"Okay, sabi mo eh. Basta kapag ako nagka'jowa walang iyakan, huh?" I continue teasing her kaya matalim nya akong tiningnan.

"I admit, crush nga kita, but duh?! Wala akong pake kahit jowain mo pa ang lahat ng babae dito sa loob ng campus. Asa ka namang iiyakan kita! Anong tingin mo sa sarili mo? Gold?" At napikon na nga po ang bruha kong kaibigan. Pareho tuloy kaming natawa ni Xenon dahil sa inasta ng kanyang kapatid.

Alam ko namang hindi na lalagpas sa pagiging crush ang nararamdaman sa akin ng isang 'to. We've been friends since second year college kaya alam ko na ang modus ng babaeng 'to. Sa katunayan, marami itong crush kahit saan sya magpunta.

Pero kapag lumalapit naman at nagpapapansin sa kanya ang mga crush nya ay halos magtago ito sa likod namin ni Xenon. Allergic ito sa commitment at ayaw nyang matali sa kahit na kanino, ngunit masyado namang pa'fall. Ako na lang tuloy ang naaawa sa mga lalaking nauuto nito.

"Ang bitter mo huh. Ampalaya juice ba ang ininom mo kanina?" She was about to shout at me again ng may sumingit na isa pang bruha sa usapan namin.

"Hi"

Nakasimangot akong tumingin sa kanya, "Oh? Anong kailangan mo Miss Miller?"

"Nagustuhan mo ba ang stuff toy na inilagay ko sa upuan mo kanina?" Matamis itong ngumiti sa akin.

Ano ako bata? But wait....

"Sayo galing yun?" Mas lalong nagsalubong ang makakapal kong kilay ng masaya itong tumango habang unti-unting namumula ang magkabila nitong pisngi, "Ano bang pakulo ito, Miller?"

"Um, I told you na babawi ako sayo dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin---"

"Okay na yun. Kaya pwede ba? Itigil mo na itong mga pakulo mo ngayon pa lang dahil hindi nakakatuwa," I cut her off.

Kumunot ang noo nito, "But I wanted to invite you for dinner later."

Rinig ko ang pag'ubo ng magkapatid mula sa likuran ko habang nakatanga akong tumitig sa babaeng nasa harapan ko. Sa dalawang taon na naming magka'schoolmate at dalawang taong magkaklase sa isa o dalawang subject, ngayon lang sya nag'aya sa akin.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon