Summer"Sum!" Natigil ako sa paglalakad patungo sa course building namin ng may tumawag ng malakas sa pangalan ko.
Ang nakangiting mukha ni Quinn ang syang bumungad sa akin paglingon ko sa aking likuran. Mukhang papunta rin ito sa department namin. Nakakapagtaka lang dahil sa kabilang building naman ang klase nito. 'Tsaka himalang napadpad 'to dito ngayon? She's a busy person since ito nga ang president ng student council.
"Hey, Quinn. What brings you here? May kailangan ka ba?" I approach her politely.
"Ikaw talaga ang sadya ko kaya ako pumunta rito."
Eh?
"Anong meron?" hindi ko maiwasang magtaka dahil paminsan-minsan lang naman itong magawi rito.
"I wanted to invite you sana sa birthday party ko sa bahay mamayang gabi. Isama mo na din 'yong mga pinsan mo at mga kaibigan. Pati na din si Cassidy. I can't invite them personally right now kasi may gagawin pa ako sa office eh. May mga pasaway din na dinala kanina sa Dean's office at kailangan ako roon to give them a punishment." napapahilot sa sintidong saad nito. Mukhang nasi-stress ito at sa mismong araw pa talaga ng kaarawan nya.
"Happy birthday, Quinn." Bati ko rito. "Don't worry, pupunta ako. I'll tell them also about it." wala naman sigurong mamawala if I'll accept her invitation, right? She's a good friend naman though not that close.
Ngumiti ito ng malaki, "Aasahan ko 'yan, Sum." tumingin ito sa suot na relo. "Damn! I have to go na, Sum. I fucking love and hate this responsibility at the same time." palatak pa nito bago nagmamadaling umalis sa pwesto ko.
Napailing na lamang ako dahil sa pagiging workaholic nito. She really will be a good leader in the near future.
"Good morning, my love." nakangiting bati sa akin ng mahal ko pagka-upo ko sa tabi nya dito sa loob ng classroom.
Simula ng magkamabutihan kami, dito na ito umuupo sa tabi ko. Magkaklase kami sa isang subject at talagang sinusulit nito sa tuwing magkatabi kami. Kung hindi nya ako aakitin nagiging clingy naman ito. Mabuti na lang hindi ko kaklase sa subject na ito ang kambal. Porche and Xenon will definitely tease me kapag nakita ang sitwasyon ko ngayon.
"Where did you go earlier? Umasa pa naman akong sabay tayong kakain ng lunch." may pagtatampo sa tono ng boses nito.
Umalis ako kanina sa school at doon kumain sa company ni Winter. I mean, sinabayan ko sa pagkain ang bruhang iyon. Hindi na naman kasi kakain ang isang 'yon kapag hindi mo pipilitin. Puro trabaho na lang ang nasa utak. Jusko!
"I already informed you about it ahead of time. Didn't I, my love?" I kissed her head dahil nakapatong ang ulo nito sa balikat ko.
"I know. Nasanay lang talaga ako na sabay na tayong kumakain lately. 'Tsaka wala kaya akong kasama kanina. Mabuti na nga lang tinabihan ako ng kambal." tukoy nito sa mga kaibigan ko. Himala atang lumalapit na sila sa mahal ko?
Wala namang problema kay Xenon. Sabay sa agos lang naman ang lalaking 'yon. Pero ang nakakagulat ay ang kambal nitong si Porche. Jusko! Ang maldita kaya ng babaeng 'yon. Naalala ko pa nga dati talagang naiirita sya dito sa kasama ko.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024