Chapter 23

4.2K 183 7
                                    


Cassidy

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko sa hindi malamang dahilan. Mukhang napansin pa iyon ni dad dahil nagtanong na ito na kanina lang ay parang nahihiyang tumingin sa akin.

"Is there something wrong, princess?" Nagulat ako sa tawag nito sa akin.

It's been awhile since I last heard that word. Akala ko hindi ko na iyon maririnig pang muli mula sa kanya.

Mahina akong tumikhim bago sumagot, "Nothing, dad." maliit akong ngumiti rito. "So um.. What's this dinner all about? Care to tell me?"

Pansin kong bigla itong kinabahan. Napainom pa ito ng tubig bago sinuklay ang may iilang puti ng buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Nasa VIP room kami and that gives us more privacy para pag-usapan ang mga bagay-bagay.

"I... I wanted to say sorry for everything." He swallowed an invisible lump on his throat. Mukha itong nahihirapan ngunit mas pinili nitong tumitig sa aking mga mata. One of his mannerisms when he's serious of what he said. "Alam kong hindi na maibabalik ng sorry ko ang nangyari. Hindi na maibabalik ng sorry ko ang mom mo——ang asawa ko. Pero gusto kong malaman mo kung gaano ko pinagsisisihan ang nangyari." pumiyok ang boses nito at sa unang pagkakataon matapos mawala ni mom, ngayon ko ulit nakita ang mga luha nitong mabilis na nagbabagsakan sa kanyang mga mata at ramdam kong gano'n din sa akin.

"Dad"

"Araw-araw, gabi-gabi, minu-minuto at sigu-sigundo kong pinagsisihan ang nangyari sa mom mo at sa pamilya natin." marahas nitong pinahid ang mga luha bago ngumiti sa akin ng pilit. "Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako nagloko sa pangalawang pagkakataon. 'Yong nakita mo sa loob ng office ko, iyon ang una at huling ginawa ko. I am being seduced that's why I reciprocate her kiss. I don't want to justify my actions kasi kahit saang anggulo tingnan talagang mali ako. Maling-mali ako." humihikbing saad nito.

"Then what about the parking lot scene? Mom saw you making out with her inside your car, dad." nakaramdam na naman ako ng inis at galit kapag naaalala ko ang boses ni mom habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Mabilis itong umiling-iling, "No. I swear, sweetie. Hindi ko iyon ginawa. I already fired her the day you caught us kissing, but that woman is so persistent. I didn't know na minamanmanan nya pala ako even after ko syang sisantihin. Hindi ko alam na nakakalabas masok pa pala ito sa ating kompanya. I also don't know that my new secretary is her best friend. Doon nya nalaman na papunta ang mom mo sa company dahil tumawag pala ito sa office ko without me knowing."

Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa nalaman. I already anticipated the outcome of this talk. That bitch! Huwag lang syang magpapakita sa akin. Talagang sasabunutan ko ito hanggang makalbo sya. The audacity of that snake!

"I wanted to go home early that day kasi umataki ang migraine ko. Paalis na ako noon when someone sneak inside my car at walang pasabing kumandong sa akin. She even kissed me, and that's the scenario that your mom was witnessing." patuloy sa pagdaloy ang luha nito kahit pa pilit nya iyong pinupunasan.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon