Chapter 25

4.9K 178 12
                                    


Summer

"Sino?" tiim-bagang kong tanong kay Winter ng tawagan nya ako upang ipaalam sa akin kung sino ang mastermind sa nangyari sa akin.

Nandito ako nakatambay sa cafeteria ngayon dahil hinihintay ko si Cassidy.

"Harley Tiu Miller. Your girl's cousin and Mandy Robert's best friend——'yong babaeng gustong kumabayo sayo."

Kung mayroon man akong iniinom ngayon siguradong naibuga ko na iyon. Minsan talaga walang filter ang bibig ng babaeng 'to.

"Can you please send me some pictures of that Harley girl?" Paki-usap ko rito.

"Wait...." rinig ko ang pagtipa nito sa keyboard ng kanyang laptop. "Done. Check your messenger. I'll end this call now. I still have important things to do." Hindi na nito hinintay ang sagot ko dahil agad ng namatay ang tawag.

Agad kong binuksan ang messenger ko upang makita ang babaeng nagplano ng lahat ng ito. Wala naman kasi akong naka-away na pinsan ni Cassidy para magkaroon sila ng ganitong ideya.

Tumaas bigla ang aking kilay ng makita ang picture ng babaeng nagngangalang Harley. She looks familiar and I think sya iyong pinsan ni Cassidy na tumulak sa kanya sa labas ng restaurant namin. Iyon ang panahon na in denial pa ako sa nararamdaman ko sa kanya.

What's with this girl? Ginagawa nya ba ito just to hurt my girl's feeling? Tch! What a bitch.

"Pansin ko lang. Ba't hindi ko na ata nakikita ang pagmumukha no'ng Lawrence? 'Tsaka 'yong cheerleader na si Mandy ni anino hindi ko rin mahagilap." untag ni Porche na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.

Kahapon pa kami bumalik ni Cassidy sa pagpasok sa paaralan. Maraming nagtatanong at nanunukso dahil sabay daw kaming nawala at sabay ding nagpakita. Now I wonder kung ano ang ginawa ni Winter kung bakit nawala ang mga iyon. Pati ang nangyari sa akin mukhang clueless ang mga ito to think na marami sa aming kaklase ang imbitado sa birthday party ni Quinn. Speaking of her, agad itong humingi ng tawad pagkakita nya sa akin dito sa school.

Well, wala naman syang kasalanan. Hindi naman sya ang nag-utos sa mga iyon at hindi nya alam ang plano ng mga ito. She said pa nga na kung alam nya lang ang gagawin nila Lawrence hindi na sana nya inimbita ang lalaking 'yon at si Mandy.

"Malay ko sa lalaking 'yon. Hindi kami close."

Sana lang hindi sya pinahirapan ni Winter. Balita ko kasi isang linggo na itong hindi pumasok simula no'ng nangyari sa akin.

"Kung sabagay." kibit-balikat na sagot nito bago ako pinakatitigan ng mabuti. Nailang tuloy ako sa klase ng titig na ipinupukol nito. "Are you sure na okay kana?"

Nagulat ako sa naging tanong nito at mukhang gano'n din sya. How did she knows about it? Halata iyon sa facial expressions nya habang mariing kinagat ang ibaba nyang labi.

"Sino ang nagsabi sayo tungkol sa nangyari sa akin? Magsabi ka ng totoo, Porche. Kasi imposibleng malaman mo iyon dahil kahit ang iba kong pinsan hindi alam ang balitang 'yon." pinaningkitan ko ito ng mata lalo na ng magsimulang maglikot ang mga mata nito. Halatang umiiwas sa tanong ko.

"Ano kasi...."

"Porche" May diin kong tawag sa pangalan nya.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon