Chapter 9

5K 206 8
                                    


Summer

"Eat more. Kaya ang payat mong tingnan eh. Kukunti lang ang kinakain mo." sumimangot ang kasama ko dahil sa aking sinabi.

Inirapan din nya ako bago sumubo ulit ng pagkain na syang palihim kong ikina'ngiti. May adorable side din naman pala ang babaeng ito.

"As much as I wanted your attention, ayaw ko namang magutom ka. Ang unfair naman kung ako lang ang mabubusog sa ating dalawa."

"Ano na namang pinagsasabi mo dyan?"

"Kanina kapa kasi titig na titig sa akin. Hindi ka mabubusog nyan kung ang maganda kong mukha lang ang pagtutuunan mo ng pansin instead sa food na nasa harapan mo."

Ako naman ngayon ang napa'irap sa kawalan dahil sa sagot nya. Ang conceited masyado. Tch!

"Hindi talaga mawawala ang kahanginan mo sa katawan, no?"

"Maganda ako eh."

Akma na sana akong sasagot sa kanya ng mayroong nagsalita sa likuran ko.

"I couldn't agree more. You're too gorgeous, iha."

Halos mabali ang leeg ko sa biglang paglingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Shit! Akala ko ba hindi sya pupunta ngayon dito sa restaurant?

"Mo--Mom." Ramdam kong natigilan si Miller ng sabihin ko ang katagang iyon habang ang laki naman ng ngiti ng aking ina.

This is not good!

"You looked surprise, anak. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa girlfriend mo?"

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa kanyang sinabi. Pero agad din akong sumimangot ng makita ang malaking ngiti na nakapaskil sa labi ni Cassidy Miller.

"Stop it, Mom. She's not my girlfrie--"

"Not yet pa po, Tita. I'm still courting your daughter po." pagputol ng bruha sa sasabihin ko sana. Tumayo pa ito sa kanyang kinauupuan at walang hiyang nagpakilala sa aking ina. "I am Cassidy Miller po, Tita. Nice to finally meet you po."

Inilahad nya ang palad sa harap ng aking ina na malugod naman nitong tinanggap habang matamis na nakangiti kay Miller. Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa frustration. Nagkita pa talaga ang dalawang makukulit.

"Nice to meet you too, iha. Buti na lang dito kayo kumain. This is the first time na nagdala sya ng babae rito na hindi nya pinsan o kaibigan." Lumingon ito sa gawi ko, "Hindi man lang nabanggit sa akin ng aking anak that she have a gorgeous suitor."

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha lalo na ng sabay silang tumawa. Oh gosh! Ang sarap nilang iwanan dito ngayon. Sa totoo lang!

"Stop it, Mom. She's not even my suitor." pigil inis kong sagot sa kanya.

"Aba! Dapat lang, Summer. Ikaw dapat ang nanliligaw, hindi yung ikaw ang nililigawan." At ako pa nga ang nasisi ngayon sa isyu na hindi totoo.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon