Chapter 27

4.8K 186 6
                                    


Summer

"What are you doing here?"

Walang emosyon kong tinapunan ng tingin ang babaeng naka-upo sa isang table dito sa loob ng restaurant namin.

"This is a restaurant, Miss Lambert. I didn't know na bawal na palang pumunta rito." At may gana pa talaga itong magtaray matapos ng eksenang ginawa nya sa mall noong isang araw at sa ginawa sa akin ng bestfriend nya.

"Hindi naman bawal kung talagang pagkain ang ipinunta mo dito. Kasi kung manggugulo ka lang, pwede ba? Lumabas kana lang, miss Harley Tiu Miller. Masyado pang maaga para mambulabog ka ng mga tao rito." sarkastiko akong ngumiti sa kanya ngunit inikutan nya lamang ako ng mata.

Ang layo talaga ng ugali nya sa pinsan nyang si Cassidy. Ang hilig nyang maghanap ng away at talaga namang pumunta pa sya dito. O baka naman dahil sa iniisip nyang kasama ko ngayon ang pinsan nya? Well, ang malas naman nya. May lakad sina Cassidy at tito-papa kaya nga hindi ito nakasama na pumunta rito.

"You're unbelievable and look stupid." ang sama talaga ng ugali. Pwede bang ibitin patiwarik ang babaeng 'to? "Ano bang nakita mo sa bitch na Cassidy na iyon? She's nothing but a flirty woman who steals every man's atte——" marahas kong hinawakan ng mahigpit ang braso nito bago pa man n'ya matapos ang sasabihin.

Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang binabastos ang babaeng mahal ko. Wala syang karapatan na sabihan ng kung ano-ano si Cassidy. She didn't know her cousin very well. The audacity of this girl?

"What were you doing? Let go of my arms!" Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkus ay mas binilisan ko pa lalo ang pagkaladkad sa kanya palabas ng restaurant namin.

Good thing kakaunti pa lang ang mga costumer ngayon at walang pakialam ang mga ito sa sigaw ng babaeng 'to.

"The fuck?! What's wrong with you?!" reklamo nito ng marahas ko syang binitawan dahilan ng pagkakadapa sana nito sa makapal na semento. Kasing kapal ng pagmumukha nya.

"Umalis kana bago pa ako makagawa ng isang bagay na sigurado akong pagsisisihan mo." madiin kong sambit habang walang emosyong nakatingin rito. "Hindi pa kita napapatawad dahil sa ginawa ng bestfriend mo sa akin. Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo." Pansin kong nagulat ito dahil sa sinabi ko.

"Are you crazy?! What are you saying, dyke?"

Ang galing magmaang-maangan ah.

"Stop pretending that you don't know anything, Miss Harley. You really think that I wouldn't know who's the mastermind of the incident on Quinn's birthday? Tingin mo talaga makakatakas ka sa ginawa mo?" I smirked at her kaya mas lalo itong nagulat at namutla dahil sa kaba.

"I didn't know anything!" Talaga ba?

"You manipulated them. Enough ng rason iyon para madamay ka sa pangyayaring 'yon." Tinitigan ko ito ng mabuti bago humalukipkip sa harapan nya. "I think you already know what happened to your bestfriend and that Lawrence guy, right?" mas lalo itong nanigas sa kanyang pwesto. "Stop this game of yours before I lose my patience. Tingin mo ba talaga makakatayo ka pa ngayon sa harapan ko kung hindi dahil kay Cassidy? You are her cousin kaya kahit papaano pinalampas ko ang ginawa mo." mas lalo akong lumapit sa kanya habang ito naman ay unti-unti ng umaatras. Scared cat, huh?

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon