Chapter 11

5.2K 221 21
                                    


Summer

"You're early." bungad ng aking ina pagkapasok ko palang sa kusina.

She bake something dahilan upang kumalam ang sikmura ko. But I don't think I have an appetite to eat especially from what happened earlier.

"Hindi na po kasi ako pumasok sa huling subject ko. Medyo masakit kasi ang ulo ko, Mom." I lied habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Hindi naman talaga iyon ang rason kung bakit ako umuwi ng maaga. My heart is aching everytime I remember Cassidy's face at alam kong hindi ako makakapag concentrate sa klase kung papasok pa ako.

I should have listened to her pero hindi ko magawa dahil sa letcheng pride na ito. I didn't know na nagiging tanga pala ang isang tao kapag may naririnig silang hindi maganda mula sa taong gusto nila.

Yeah, I still like her. Akala ko nawala ang pagkagusto ko sakanya nung mag'iba ang ugali nya when we are on our first year in college. Akala ko hindi na ulit ako makakaramdam ng ganito.

Pero lahat pala ng iyon ay puro akala lang. Kasi hindi ko inaasahan na babalik ang pagkakagusto ko sa kanya lalo na ng magsimula itong mangulit sa akin. At ng makita ko ang ibang kakaibang ugali nya na hindi pa nakikita ng iba.

"Subject or person?"

"What do you mean, Mom?"

"Ang sabi mo masakit ang ulo mo, right?" tanong ng aking ina na tinanguan ko naman.

"Then tell me kung bakit sumakit ang ulo mo. Is it because of one of your major subject? Or someone who's special to you?"

Wala talaga akong maitatago sa kanya. Para syang isang spy sa movies na alam lahat ng nangyayari sa akin.

"Subject" Tipid kong sagot ngunit umiling lang ito.

"I prefer the latter, anak. So tell me, nag'away ba kayo ni Cassidy? Ng girlfriend mo?"

"Mom I already told you. She's not my girlfriend for pete's sake!"

"She's not your girlfriend---yet." She corrected me pa talaga. "Anak naman. Ano ba ang ikinatatakot mo? Normal naman talaga na babae ang maging jowabels mo dahil may malaki kang ahas na tinatago dyan sa loob ng---"

"Mom!" Gosh! Ang pasmado minsan ng bibig nitong nanay ko.

Tumawa pa ito ng makita ang nakabusangot kong mukha.

"Okay, I'll stop teasing you na nga. Pero anak, kailan mo ba balak ligawan ang soon to be daughter-in-law ko. Hmm?"

"Mukhang nakuha nya ata ang loob mo, mom." I answer instead dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong nyang iyon.

"She actually is. Kunti na lang ngayon ang babaeng katulad nya na magtatapat ng totoong nararamdaman sa parent ng taong gusto nya." kumunot ang noo ko dahil doon.

"What?"

"She's actually told me that she likes you---a lot. Probably more than that. Remember noong naabutan ko kayong kumain sa restaurant natin? Marami kaming napag'usapan that time, at lahat ng yun tungkol sayo. She also admit to me that she's a mean girl and a play girl before." Nag'iwas ako ng tingin sa aking ina ng sabihin nya ang mga bagay na iyon.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon