Chapter 8

5.5K 238 15
                                    


Summer

Damn that girl! I can't believe na napapayag nya akong pumunta ngayon sa letcheng gym na ito.

Kung hindi ko lang talaga iniisip na pwede nyang ipagkalat ang sekreto ko bilang isang intersex, nungka kung titingin ako sa laban nila ngayon. Manigas sya!

"Hello. Can I sit here, Miss?" agad kong nilingon ang babaeng nakatayo sa tabi ko. I look at her dead in the eyes na mukhang ikinagulat nito.

"Mukha bang gusto kong may katabi ngayon?"

Ayokong magtaray ngunit hindi ko mapigilan lalo na ngayong mainit ang ulo ko dahil sa  babaeng impakta na iyon.

Nahihiya itong yumuko bago umalis sa pwesto ko. Marahas akong napabuntong hininga dahil sa nangyari. Nagiging magaspang na talaga ang ugali ko simula ng mangulit sa akin ang Cassidy na iyon. Mukhang nahawaan nya pa ako sa ugali nyang halos hindi makain ng aso.

"Hindi ba masarap ang ulam mo? Para kang tigre na hindi nakakain ng isang linggo ah." Agad akong lumingon sa pinagmulan ng boses na iyon. Ngunit agad din akong sumimangot ng makita ang pagmumukha ng pinsan kong si Autumn at ang nakangising mukha ni Maxine.

"Sinong hindi mabu'bwesit? Binantaan lang naman ako ng gagang iyon na may gagawin sya sa aking hindi maganda kapag hindi ako nanuod ng laro nila. Piste!" pabulong kong sambit sa huling kataga na mukhang narinig pa din nila.

They already know kasi kung ano ang ginagawa ni Cassidy. Ikaw ba naman ang lantaran landiin sa harapan mismo ng pinsan at mga kaibigan mo. Of course, malalaman talaga nila iyon kahit hindi ko pa sabihin.

"Hayaan mo na. Baliw lang talaga sayo ang isang yun. Ano ba kasi ang pinakain mo sa kanya? Ba't hindi na halos umaalis sa tabi mo?"

'Wala pa nga' Singit ng mahadera kong utak dahilan para pamulahan ako ng mukha.

Letche! Pati utak ko nagiging malandi na rin.

"Tigil-tigilan mo ako, Maxine. Baka gusto mong sipain kita dyan?" banta ko rito habang matalim syang tinitigan dahilan para maitikom nito ang kanyang bibig.

Sinuway na rin kami ni Autumn kaya pareho na kaming tumahimik kasabay ng pagsasalita ng emcee.

Napuno bigla ng hiyawan ang loob ng gym ng tawagin na ang pangalan ng mga players sa kabilang paaralan. Mas lalo pang dumoble ang ingay ng ang mga players naman ng Payton University ang sunod-sunod na lumabas.

Hindi ko maiwasang umirap sa kawalan ng kindatan ako ni Cassidy. Bruha talaga!

Nagawa pa naming tuksuhin si Autumn ng biglang lumiwanag ang mukha ni Veronica pagkakita sa kanya. Parang kanina lang ang lungkot ng aura nya. Mukha itong namatayan ng aso pero biglang na'hyper ng makita ang pinsan ko. Tsk!

"Grabe ang gagaling nilang lahat." Rinig kong komento ni Maxine.

Sa whole duration ng laban para lang kaming tanga na nakatulala sa magkaibigang bitch na iyon. Akalain mo nga namang ang galing pala nilang maglaro ng volleyball. Hindi halata sa pagmumukha nila na isa sila sa magagaling na athletes ng paaralang ito. May ideya naman na ako dati na naglalaro sila ng volleyball since sikat nga sila sa loob ng campus. The thing is, ngayon lang ako nanuod ng laro nila ever since na nag'aaral ako sa University na ito.

"Umalis na tayo." Pag'aya ko sa mga ito dahil ayokong magpang'abot pa kami ni Cassidy. I already grant her wish kaya wala ng dahilan para magtagal rito.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon